Gulat na gulat na napa tingin ako sa kanilang dalawa hindi ako makapaniwala na maaring si Alanna ang may gawa ng lahat ng ito. Alam ko na pwedeng may galit sya sa akin pero hindi ko alam na pwedeng umabot sa punto na sasaktan nya ako na hahantong sa pagkamatay ko. Lalong hindi ako makapaniwala na kaya nyang gawin lahat ng ito kay Drake. He’s been her friend even before I met Drake, alam ko na they have fond memories with each other. Drake has been very open about it, nung nagsimula kaming dalawa na subukang magtake ng chance sa isa’t isa he told me that he’s been friends with Alanna, nagging classmates sila dati at naging magkaibigan but everything stopped when Alanna went to the states to study. Their friendship ended there, noong panahon na bumalik si Alanna sa Pilipinas ay girlfrien

