Tahimik akong nagsusuklay ng buhok habang naka tingin sa salamin at pinagmamasdan yung reflection ko sa salamin. Habang tinitignan ko yung sarili ko hindi ko maiwasang hindi maisip lahat ng pinagdaanan ko naming nila Drake at Nana. Na pa luha nalang ako habang iniisip ko kung bakit ako gumagayak ngayon. Naka suot ako ng isang simpleng puting blouse ate jeans. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong naka upo dito sa harap ng salamin at tahimik nan aka tingin sa reflection ko sa salamin. Parang ayokong lumabas hindi ko alam kung bakit parang ayaw kumilos ng katawan ko at ayaw gumalaw ng mga paa ko. Bigla akong napa-igtad ng maka rinig ako ng katok sa pinto at marinig ko ang boses ni Drake sa labas. “Kiesh it’s time to go, ikaw nalang ang hinihintay sa baba.” Tawag nya sa akin haba

