“Alanna, nice name. It suits you.” Naka ngiting sab isa akin ni Dexter. Ngumiti naman ako sa kanya. “Akala ko ba ay Ana ang pangalan mo iha?” tanong ni Nanay Nadia sa akin. Muntik na akong masamid sa sinabi ni Nanay Nadia. “Ay opo Nanay Nadia palayaw ko ho iyong Ana pero ang totoo ko pong pangalan ay Alanna hehe.” Alanganing sagot ko kay Nanay Nadia. Tumango naman sya sa akin at ngumiti. “Paano gumayak na tayo at ng makapunta na tayo sa talon?” tanong nya sa akin at saka inaya ako papunta sa kusina. May mga pagkain ng naka handa sila Nanay Nadia, naka pack na din yung mga ulam na inihanda nya. At parang nagningning ang mga mata ko ng makita ko yung maja blanca. “Nanay Nadia kayo po ang gumawa ng maja?” masayang tanongn ko sa kanya. Tumango naman sya sa akin at ngumiti ulilt. “Oo

