Life is really full of surprises, minsan magugulat ka nalang sa mga bagay na pwedeng mawala at magbago sa buhay mo akala mo dahil marami ka ng pera or madami ka ng achievements at well known kana akala mo nasatisfied kana sa buhay mo, little did you know na until may buhay pala you will always want to do more and be more and learn mo, and you will only realize that the moment you lost the life itself.
I didn’t know how long I have walked from the hospital I just walk like it’s the only thing I can do. Nalilito ako, hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangyari lahat ng ito. I even wonder why am I even still here? Kung patay na pala ako ano pa ang ginagawa ko dito?
Bakit kailangan ko pang malaman lahat ng to?
Bakit ngayon kung kelan huli na at wala na akong magagawa?
Lakad lang ako ng lakad not minding where my feet will lead me.
I was lost in my own thoughts when suddenly I bumped with someone.
Magagalit na sana ako sa nakabangga sa akin dahil hindi sya nag-iingat, ng bigla kong marealize na nabangga nya ako?
Nagkabangga kami!
Baka nakita nya din ako!
I immediately look for the person I bumped with when I saw a beautiful woman at the corner looking straight at me.
She has this long shiny brown black hair, chinky eyes, pointed nose and thin lips. Her eyes were smilling at me as if she knows me. She looks so familiar to me, hindi ko alam kung saan ko ba sya nakita, sa magazine ba or sa tv? I’m really not sure. Parehas kaya kami ng sitwasyon? Pano nya akong nakikita? But she’s really really pretty, she can actually pass as a model or an artist.
“ Hey,” I greeted her with my short smile.
She looked at me with her sparkling eyes, ang ganda nya! There are very few times na nakaka appreciate ako ng ganda ng iba. She could really pass as a model or even a beauty queen. She’s really beautiful.
“Kamusta ka?” she asked me as if she knows me.
“I’m not okay. But do I know you? Namatay ka na din ba? Paano mo akong nakikita?” sunod sunod na tanong ko sa kanya.
“Oo naman kilala kita, kilalang kilala kita,” She answered while smilling from ear to ear.
This girl is really weird. Paano nya naman akong nakilala? I know she looks familiar to me but I am also sure that I don’t know her!
“Oh gosh! Don’t tell me ikaw yung sundo?! Oh please please! Hindi pa ako ready!” I asked nervously.
Ito na ba yun?! Angel siguro sya! Kaya pala sobrang ganda nya! Ito na ba yung tinatawag nila na pagtawid sa kabilang mundo?
Hindi pa ako handa.
Parang hindi ko pa kayang umalis.
I started thinking about my dad, about Nana Gina and Vanie, is this how I will actually leave them? I didn’t even get to say good bye.
My eyes suddenly started watering.
“Can I… Can I have one last wish? Bago mo ako dalhin sa paghuhukom?” pleadingly asked her.
I wanna talk to my Dad… I want to kiss my Nana Gina… I want to tell Vanie that she can have all my stuffs and that I love her like a real sister…
I was thinking about how I can wish those things all at once when I suddenly heard her chuckling.
“Why? What? Hindi ba pwede?” I asked her. I really hope I can do all those things kahit manlang bago ako mawala para manlang makita ko sila at mayakap at makausap kahit na last na, kahit sa panaginip lang nila. I want to tell them that I am okay and that I want them to move on and be okay too.
Because I know what happened to me will surely scar them for life.
“Hindi naman ako sundo, at saka hindi ka naman namatay kaya bakit naman kita susunduin,” she answered genuinely.
Muntik na mawalan ng lakas yung mga binti ko sa sinabi nya.
What the hell? Hindi ako patay? Kung hindi ako patay e ano ang tawag sakin? MULTO? Pero hindi ba patay na din ang mga multo?! Gosh I am literally going crazy!
“Ano? Anong ibig mong sabihin? Please hindi to magandang biro! Alam ko… alam kong wala na ako. Ang hinihiling ko lang naman kahit kaonting time lang para maka-usap ko yung mga taong mahal ko,” umiiyak na sagot ko sa kanya.
“Halika, magtiwala ka sakin. You can trust me Avrielle. Magtiwala ka lang sa akin. Hindi kita pababayaan” sagot niya sa akin.
Siguro napansin nya na parang nanghihina na talaga ako kaya inakay nya ako sa isang bench malapit sa park.
“Please tell me the truth. Bakit mo sinasabing hindi pa ako patay? Pano mo akong nakikita? Sino kaba talaga? Bakit mo ako kilala?” sunod sunod kong tanong sa kanya.
Litong lito na talaga ako, kasi alam kong patay na talaga ako. Pero ano tong sinasabi nya na hindi ako patay? I really really want answers ang hirap hirap manghula ang hirap hirap nang nangangapa.
“Ako si Eya, at sinasabi ko sayong hindi ka pa patay kasi hindi ka naman talaga namatay.” She honestly answered like it was a piece of cake.
“Kung hindi ako patay then kaninong bangkay yung nandoon sa ospital? Saka kung hindi ako patay bakit hindi ko mahawakan yung ibang tao? Bakit hindi nila ako makita? Bakit hindi nila ako marinig?” This is really frustrating! Hindi ko na alam kung ano ba ang paniniwalaan ko.
“ Hindi ka nila makita at marinig kasi kaluluwa ka na.” She answered straightly again
Napa sapo nalang ako sa ulo ko. Ano ba talaga? Nalilito na talaga ako.
“Kung kaluluwa na ako ibigsabihin nga namatay na ako. Please naman wag mo nang paguluhin yung buhay ko kasi gulong gulo na din ako talaga. Hindi ko na talaga alam kung ano ba yung nangyayari, at this point in time all I really want is answers.” I desperately told her.
She just laughed at me as if I was the only one troubling myself.
“Miss I know that I might sound crazy but I am really desperate. Wala na akong panahon para makipag biruan kasi any moment now baka mawala nalang akong bigla. I desperately need to do something,” I seriously told her.
Yung mga ngiti nya kanina, napalitan ng seryoso na mukha na para bang naiintindihan nya yung bigat na nararamdaman ko.
“Alam ko na naguguluhan kana Avrielle. Pero makinig kang mabuti sa akin, hindi ka pa patay. Hindi ka pa patay sa ngayon. Pero ayon sa nakasulat sa tadhana mo meron ka pang 3 buwan bago ang nakatakda mong tuluyang pagpanaw. Pero hindi magiging madali ang lahat para sayo. Kailangan mong maging matatag,” Sagot nya sakin habang hawak hawak pa din ang kamay ko.
“Hindi ka pa patay Avrielle. Pero kailangan mong mahanap ang katawan mo at makabalik bago ang pagsapit ng ika’tlong kabilugan ng buwan. Kailangan mong makabalik sa katawan mo kung hindi ay tuluyan ng mamatay ang iyong katawan at maglalaho ang iyong kaluluwa. Marami kang pagsubok na pagdadaanan ngunit kailangan mong tandaan kung ano ang goal mo Avrielle at sigurado ako na ang goal mo ay makabalik sa katawan mo at sa mga taong mahal mo,” Seryosong bilin nya sakin she kept on telling me that this is not going to be an easy journey for me. What the hell does that mean?
“Ibig mo bang sabihin hindi ako yung pinaglalamayan ng pamilya ko ngayon?! Hindi ko katawan yung natagpuan nila sa sasakyan na sumabog?” I cryingly asked her. This is too much!
This is just too much to handle for me!
Bakit ba nangyari sa akin lahat ng to?
“Hindi. Avrielle. Hindi ikaw yon. Alam ko na mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko sayo pero kailangan mong malaman kung ano ang totoo dahil ito lang ang paraan para makabalik ka sa katawan mo.” Sagot nya sa akin.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang paniniwalaan ko. Parang gusto ng sumabog ng ulo ko sa kakaisip.
Pero ibig sabihin nito may pag-asa pa ako hindi ba? May pagkakataon pa ako na mabago yung tadhana ko. So at some point what she’s saying to me is actually a hope for me, may chance pa na makabalik ako, may chance pa na makasama ko pa yung pamilya ko.
Baka sakali na magkaron kami ng mas maayos na relationship ni Dad.
With that in mind, I told myself that this is it. This is what I need to do. I have to find my body and to get my life back.
“Paano ko mahahanap ang katawan ko? Bakit kailangan na hanggang sa susunod na full moon ko lang makita ang katawan ko? Pano kung hindi ko pa makita ang katawan ko sa susunod na fullmoon?” nalilitong tanong ko kay Eya.
“Kailangan mong mahanap ang katawan mo sa susunod na kabilugan ng buwan dahil noon ang takdang wakas ng buhay mo hanggang doon nalang talaga ang buhay mo kung hindi ka magtatagumpay na makabalik sayong katawan bago ang susunod na kabilugan ng buwan. Kapag hindi mo nabawi ang katawan mo sa susunod na kabilugan ng buwan at tuluyan ka ng hindi makakabalik sa katawan mo at maglalaho pati ang iyong kaluluwa.” Sagot niya sa akin.
Habang tinititigan ko si Eya narerealize ko na dapat akong maniwala sa kanya. Baka may panahon pa at may pagkakataon pa akong bumalik at ayusin ang buhay ko.
“Kung ganon ang kailangan kong gawin ay hanapin ang katawan ko. Pero paano ko naman magagawa yon? Tutulungan mo ba ako?” Tanong ko kay Eya.
Hindi ko to kayang gawin mag-isa lalo na walang nakaka kita at nakakarinig sa akin pano ko mahahanap ang katawan ko kung ganito ako?
“ Ikinalulungkot kong sabihin sayo Avrielle na hindi kita matutulungan na hanapin ang katawan mo,” Malungkot na sagot sa akin ni Eya.
I can see that she really feels bad about not having the chance to help me,
Oh Gosh. No. Please. Don’t make me do this alone.
“Ibig bang sabihin kailangan kong hanapin ang katawan ko ng mag-isa?! Eya naman! Hindi ko kaya yon! Ngayon pa nga lang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko pano pa pag mag-isa ako?” Umiiyak ng sagot ko sa kanya.
Nakikita ko na nalulungkot din sya, siguro gusto din nya akong tulungan.
Why do I feel like I was fighting a losing battle?
Bakit parang wala naman akong pag-asa.
Bakit para lang akong pina-asa?
“Hindi ka mag-iisa Avrielle. May isang tao na nakatakdang tumulong sayo.” She answered hopefully.
My face suddenly light up after what she said, I will hold on to anything even if the chance of me getting my body and life back is 0.01% I will still chose to fight this losing battle for the people that I truly love.
“Sino naman ang pwedeng tumulong sa akin? Saan ko sya pwedeng hanapin?” tanong ko kay Eya.
Hinawakan nya ang kamay ko at mahigpit na pinisil ito.
“Avrielle, puso mo ang magiging daan para mahanap mo sya. At wag kang mag-alala dahil baka ikaw ang mahanap nya.” Nakangiti na sagot nya sa akin.
“Ibig mo bang sabihin kailangan kong maghintay na dumating yung tao na yon? Paano naman kung dumating na yung full moon tapos wala pa din sya. Pano ang gagawin ko?”
Nalilito na naman na tanong ko kay Eya.
Kukulitin ko pa sana sya ng mga tanong ko ng mapansin ko na unti unti syang nagfe-fade.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yon o talagang naglalaho sya?
“Avrielle… naubos na ang panahon na hiningi ko para maging gabay mo. Lagi mo lang tatandaan kung ano ang mga ibinilin ko sayo. Lagi mo din tatandaan na hindi ka dadalhin sa kapahamakan ng puso mo. Magtiwala ka lang Avrielle. Ipagdarasal ko na magtagumpay ka at makabalik sa katawan mo. Lagi lang akong nakabantay sa iyo Avrielle. Pasensya ka na at hanggang dito lang ang naitulong ni Mama. Mag-iingat ka parati anak. Buksan mo ang iyong puso at makikita mo ang mga sagot na hinahanap mo. Hanggang sa muli.” Nakangiti na bilin nya sa akin habang unti unti syang naglalaho.
Mama?
Anak?
Mama ko?
Don’t tell me?!
I was about to ask her kung sya ba ang Mama ko ng pag angat ko ng tingin unti unti na syang naglaho sa paningin ko at ang huli ko nalang na nakita ay yung nakangiti nyang mukha. Kaya pala pakiramdam ko pamilyar sya sa akin, kaya palang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya… Kaya pala…
Mama…
Bakit hindi manlang kita nakilala Ma?
Bakit hindi mo sinabi?
Hindi manlang kita nayakap kahit manlang ngayon?
Unti-unti muling nagunahan ang mga luha ko sa pag-patak. Kahit sa kabilang buhay pinilit pa din nya akong matulungan, ganito pala ka powerful ang pagmamahal ng isang magulang, kahit na wala na sya nakagabay pa din sya sa akin.
Salamat Ma…
Thankyou Eya… Thank you so much Mama Catleya…
Lalaban ako Mama, katulad ng palagi kong ginagawa lalaban ako para sa sarili ko at sa mga taong mahal ko at ngayon Ma mas may reason ako para lumaban kasi alam kong may mga naghihintay sa pagbalik ko at may babalikan pa ako. Salamat Mama… Hanggang sa muli po natin na pagkikita, sisiguraduhin ko po na sa susunod natin na pagkikita mayayakap na po kita…