“Ano po pala ang pangalan niyo?” tanong ko sa matandang kasama ko na ngayon ay hinahatak ako papunta sa bahay nila Nana Celling. “Ako si Nadia, pwede mo akong tawaging Nanay Nadia kung ayos lamang sayo.” Naka ngiti nyang sabi sa akin. Ngumiti naman din ako sa kanya. “Ayos lang po ba yun sa inyo? “ tanong ko naman sa kanya. Masaya syang tumango sa akin at ngumiti. “Oo naman iha, alam mo bang nag-iisang anak kong babae si Nathalia? Kung kayat ngayon ay wala na akong anak na babae. Yung mga kapatid naman ni Nathalia ay may mga sariling buhay na kaya’t wala akong ibang kasama na sa bahay naming. Noong buhay pa ang anak kong si Nathalia ay palagi syang umuuwi pagitan dalawang araw para dalawin ako. Kaya lang mag mula nung nawala sya ay wala sya ay nagging magisa na din ako.” Malungkot na

