Katulad nga ng sinabi ni Damon, pasado alas onse ng gabi nung dumating sila sa condo ni Drake, kasalukuyan namang nagrerebisa ng mga papel ko at mga cards na natanggap sina Wayne at Caleb. Pati yung mga papel sa opisina ko dinala nila dito sa condo, hiningi kasi ni Drake kay Nana Gina yung susi ng opisina ko.
“What’s up mga pare!” bati ni Chase sa kanila habang naka gapos ang mga kamay.
Natawa naman ako sa itsura nya kasi para syang batang pinagtulong tulongang bugbogin, may mga pasa sya sa mukha pero nakangisi pa din.
“Pare bat naman binugbog mo pa ata si Chase?” tanong ni Wayne at saka sinikmuraan si Chase.
Napa pikit nalang ako nung bigla nyang sinuntok si Chase napa aray naman to sa sakit.
“Tangina mo, nagtatago ka pa, pinahirapan mo pa kaming kulugo ka!” sabi ni Wayne kay Chase.
Agad naman na kinuha ni Caleb si Chase sa kanila at inasikaso, tinanggalan nya ng gapos si Chase at nagsimulang gamotim yung mga sugat nito.
“Pinahirapan pa ko ng tang inang yan.” Nang gigil na sabi ni Damon.
“Panong hindi kita papahirapan eh papatayin mo ko, tang ina mo din,” sagot naman ni Chase kay Damon.
Napangisi nalang si Drake at saka ibinato kay Chase yung mga papel na nakuha nila.
“Aralin mo yan kung gusto mo pang mabuhay,” sabi ni Drake kay Chase.
“Pssst!” tawag ko sa kanya at saka ko sya sinamaan ng tingin.
Drake just smirked at me and shrugged.
“Pinsan ko yan!” singhal ko sa kanya.
Kahit naman hindi kami close ni Chase kahit papano pinsan ko pa din yung tao.
“Alam ba ni Tito Achilles tong ginagawa mo Drake?” tanong ni Chase kay Drake.
Tinignan nya si Drake na parang sinusuri kung ano ang isasagot nito.
“Alam ba ni Alanna na nakikialam ka sa kaso ng kapatid nya? Hindi ba ikakasal na kayong dalawa? Bakit nakikialam ka pa sa kaso ni Avrielle? Nakokonsensya ka ba?” naka ngisi nyang tanong kay Drake.
Imbis na sumagot si Drake sa kanya binigyan sya ni Drake ng isang malakas na suntok sa sikmura. Napa ubo si Chase ng sunod sunod. Bibigyan pa sana nya ng isa pang suntok si Chase nung pinigilam ni Damon yung kamao ni Drake.
“Tama na pare, kailangan pa natin yan.” Sabi ni Damon sa kanya at saka pilit na ibinaba yung kamao ni Drake.
“Wala kang alam kaya manahimik ka nalang.” Nanlilisik ang tingin na sabi ni Drake kay Chase.
Napa-kamot nalang sa ulo yung apat, alam nila na talagang galit na galit na si Drake.
“Bukod dyan may isa ka pang kailangang gawin,” sabi ni Damon sa kanya at inihagis ulit ang isa pang folder.
“Ito ang unahin mong alamin Chase, malakas ang pakiramdam naming na yung nangyare sa matandang iyan ay may koneksyon sa kaso ni Avie, ilang araw pa lang nung nakipag-usap kami sa kanya para itanong kung nakita nya yung sasakyan ni Avrielle na nagdaan doon sa gasolinahan na pinagtitindahan nya ng ballot. Kagagaling lang naming kahapon sa bahay nya, pero kaninang umaga natagpuan syang patay sa bahay nila, naka gapos bugbog sarado ang katawan at halatang pinahirapan,” sabi ni Caleb kay Chase.
Tinignan ni Chase yong mga ipinakita ni Caleb na pictures.
“Ito yung matanda na nakita ko sa cctv?” tanong niya kay Damon.
Tango lang ang isinagot nito sa kanya.
Napa mura nalang ng malutong si Chase sa pagtango ni Damon.
“Kailan to nangyare? May nahanap naba kayong cctv sa area na pwede nating mahack para makita yung mga posibleng tao na pumasok sa bahay nung matanda bago nangyare yung insidente?” tanong ni Chase kay Damon.
Agad naman na umiling si Damon at saka napa-kuyom.
“Talagang pinaghandaan ng kung sino mang putang ina yung gumawa nay an dahil hindi sya matrace ng grupo, isa pa nung gabi yon nagkaron ng brownout don area kaya wala din mahingian ng impormasyon sa mga tao. Ang huling nakasama ni Mang Cando ay kaming lima, umalis kami ng pasado alas dose ng gabi,” sagot sa kanya ni Damon.
“Kung ganon walang ibang choice kung hindi pumunta sa HQ.” sagot ni Chase sa kanila.
Tumango naman sila na akala mo naintindihan ng mga to yung ibig nyang sabihin. Naghahanda na sila sa pag-alis nung biglang tumunog yung cellphone ni Damon.
“Ano Alexis?” tanong ni Damon sa kabilang linya.
“ANO?! Sabi ko na nga ba! Putang ina nya wag na wag ko syang makikita papalumunin ko syang ng isang sako ng putanginang bulaklak na yan.”
Sagot ni Damon at saka pinatay yung tawag.
“Ano yon?” tanong ni Wayne.
“Yung bulaklak na nakita sa puntod ni Avrielle noon, nakita sa loob ng katawan ni Mang Cando, mukang ipinakain sa kanya ng buo yung mga bulaklak. f**k it!” gigil na gigil na sagot ni Damon.
Napahilamos nalang ng palad sa mukha nya si Caleb, makikita mong frustrated na sila sa mga narinig nila.
Hindi ko mapigilan na manglambot sa narinig ko, para yong bomba na sumabog sa harap ko.
Sinasabi ko na ng aba, may kinalaman to sa nangyari sa akin.
Nanlalambot na napaupo ako sa narinig ko.
Pareparehas na hindi maipinta ang mukha nina Drake, Caleb, Axel, Wayne at higit sa lahat ay si Damon.
“Tara na,” sabi ni Chase kay Damon.
Kanina lang ay nang gigil sila pareparehas kay Chase pero ngayon ay wala na silang pakialam sa galit nila kay Chase, mabilis silang kumilos para pumunta sa Head Quarters nila Damon.
At as usual, sumakay ulit ako sa sasakyan kasama si Drake.
Pagpasok na pagpasok naming ng sasakyan mabilis nyang pinaharurot ito para sumunod kanila Damon.
“Drake dahan dahan baka maaksidente ka,” malungkot na sabi ko sa kanya.
Parang balisa yung itsura nya, balisa pero galit.
“Ayos lang ako Kiesha, mag-iingat ako,” sagot nya sakin at saka mas lalo pang binilisan yung pagmamaneho nya.
Imbis na bawalan ko sya hinayaan ko nalang sya kasi parang mas lalo pa syang nang gigil na bilisan yung pagpapatakbo habang binabawal ko sya.
Ganon nalang yung naging takot ko nung biglang may lumabas na sasakyan sa isang kanto at montik na kaming salpukin, mabilis lang na naka-iwas si Drake at saka huminto sa gilid ng daan. Parehas kaming naghahabol ng hininga nung paghinto ng sasakyan nya.
“Sabi ko na kasi sayong dahan dahan ka nalang diba?! Ano ba?! Nagpapakamatay kaba?! Akala ko ba tutulungan mo pa akong hanapin yung katawan ko? Kung ganyan lang yung gagawin mo sa sarili mo hindi na ako umaasa na matutulungan mo ako!” malakas kong sigaw sa kanya.
Hinahabol ko pa din yung hininga ko sa sobrang takot.
Ganon pala yung pakiramdam ng maaksidente, nakakagulat to the point na para ka nalang biglang walang magagawa, luckily Drake was able to to pull the break at saka wala kaming kasalubong kaya kahit papano naka iwas kami.
He got lucky this time, but I don’t think that he will get this lucky all the time. Kaya kahit na naiinis na ako sa nangyari hindi ko napigilan na sabihin ang mga yon sa kanya.
“I- I am sorry Kiesha, gusto ko lang naman na makarating tayo agad sa head quarters. I don’t want tro waste any single minute,” frustrated na sagot nya sa akin at saka hinampas yung manibela ng sasakyan.
Napa hilamos nalang ako sa mukha ng palad ko dahil sa sinagot nya sa akin, sabi ko na nga be, he is scared.
“Drake its going to be fine, mahahanap nyo din yung tao na gumawa nito sa akin at kay Mang Cando, please get a grip of yourself.” Pakiusap ko sa kanya.
Napa hampas sya ulit sa manibela at napa mura.
“Kiesha nakita mo yung itsura ni Mang Cando di ba? Hindi ko kayang isipin at sikmurain yung idea na baka gawin din yon sa iyo, f**k! This is f*****g killing me Kiesh! Nahihirapan akong isipin na baka… baka huli na ako Kiesh. Ayokong isipin na baka mahuli ako at mawalan nanaman ako ng paraan para protektahan at ingatan ka. Kiesha ayokong magsayang kahit isang Segundo kasi hindi ko alam kung ano yung pwedeng gawin sayo ng taong yon sa bawat minuto at segundong lumilipas.” Sagot nya sa akin at saka isinubsob yung sarili nya sa manibela.
Hindi ko alam kung paanong pagagaanin yung pakiramdam nya, kasi kahit ako sa nakita ko na ginawa ni Mang Cando parang pakiramdam ko any moment pwede akong mawala, parang walang kasiguraduhan lahat ng to. Para kong naglalakad ng naka piring, walang kasiguraduhan yung bukas o kung may bukas pa nga ba akong masisilayan.
Natatakot din ako, shempre natatakot ako para sa sarili ko pero higit sa lahat ngayon natatakot ako para sa mga tao na lumalaban para sa akin, sa mga tao na gumagawa ng paraan para mahanap yung katawan ko.
Sila Drake, yung mga kaibigan nya, at si Nana Gina.
Ngayon natatakot ako na baka bawat tao na lapitan nila at hingan ng impormasyon gawin din yung ginawa kay Mang Cando, ang hirap isipin na para bang lumalaban ako sa isang laban na wala akong pag-asang ipanalo.
Pero hindi ito yung panahon para pang hinaan ako ng loob, hindi ito ang panahon para matakot at mangamba dahil kailangan naming lumaban, alang alang sa mga tao na nagbuwis at nagsakripisyo ng buhay nila para sa akin, at para sa mga tao na patuloy na lumalaban para sakin hindi ako susuko.
I looked at Drake who is now punching the steering wheel.
“Drake hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo na magtiwala nalang tayo at manalig sa kanya. Kasi ako bukod sa inyo, yun lang ang pinanghahawakan ko. Wag ka ng matakot, kasi hindi na ako mawawala sayo. Hanggang nakikita at naririnig at nararamdaman mo ako sa tabi mo may pag-asa pa tayo. Lalaban pa din tayo Drake , alang alang sa mga taong nagsakripisyo ng buhay nila para sa akin,” malungkot na sabi ko sa kanya.
“Natatakot din ako, minsan naiisip ko ano pa yung dahilan na makita ko yung katawan ko kung kapag nakita ko pala yon ay hindi na ako buo. Kung pagba nakita natin yung katawan ko makakabalik pa ba ako sa dating buhay ko, naiisip ko minsan kung kumpleto pa kayang yung mga daliri ko, kung may kamay at paa pa ba ako?” naiiyak kong kwento sa kanya.
“Naiisip ko baka… baka …” hindi ko maityuloy yung sasabihin ko at umiyak nalang ako ng umiyak.
Totoo naman na naiisip ko yung mga bagay na yon, pero lalo sigurong mas tumindi yun pag-aalala ko nung nangyari yun kay Mang Cando.
“Shhh, wag ka nangn mag-isip I’m sorry Kiesha, my emotions and fear got the best of me. I told you, I got you and we got this okay? Kaya natin to Kiesh, gaya ng dati. Wala tayong hindi kinakaya basta para sa isat isa hindi ba?” pagpapalakas ng loob na sabi sakin ni Drake.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko kung gaano sya kadesidido, I smiled at him and nodded.
Yeah we got this.