Mabilis na kumilos ang buong team para puntahan yung location na sinabi Chase naka ready silang lahat pati yung medical team. Ang bilis ng takbo ng bawat sasakyan nil ana akala mo talaga ay mauubos ng mauubos yung daan kaya para silang hangin na humahaginit sa sobrang tulin. “Drake Nana’s going to be fine right?” tanong ko kay Drake. Hindi mahalaga sa akin ngayon kung mahanap ba naming yung katawan ko o kung makakaligtas ako sa kamay ni Vanie. Although umaasa rin ako n asana wag nyang idamay si Nana Gina sa kahit ano mang galit o sama ng loob na meron sya akin. She can hurt me all she wants but please not my Nana. Drake looked at me with so much worry. “Yes. She’s going to be fine Kiesha. Iuuwi ko kayoing dalawa ng ligtas at magkasama okay? Kaya wag ka ng masyadong mag-alala.” Drake sa

