Elisse
Ang sakit ng ulo ko!!! Gising na ko pero hindi ko maidilat ang mga mata ko at parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko!
“I was rolling in the bed nung naramdaman ko na parang hindi ito ang kama ko?! At nung pagdilat ko ng mga mata ko ay tama nga ang hinila ko, nasa ibang kuwarto ako!
Pagkatayong pagkatayo ko sa kama ay siya namang bukas ng pintuan at niluwa no’n si Mr. Stranger na mukhang bagong ligo.
“Good Morning..” He said with a Jolly tone of his voice.
“What happened?!” Singhal ko sa kaniya.
“Nothing!”
“I didn’t do anything, swear.” Saad pa niya sabay taas sa kamay niya na para bang nanunumpa siya.
“At saka I told you that I won’t do anything unless you wanted to or I get permission from you..” Baling pa niya sa’kin tapos ay lumapit siya at naupo sa tabi ko kaya dali dali ko siyang tinulak papalayo.
“I need to go..” Nagmamadali kong wika pero di pa man ako nakakatayo sa kama ay agad akomg hinila ni Mr. Stranger pabalik.
“Ayaw mo bang mag-breakfast muna? I made breakfast for us.” He said and politely whispered.
I was hesitant at first to eat breakfast with him but I agreed sayang din naman kasi ang effort niya.
“Marunong ka pala mag luto?” Tanong ko sa kaniya nung makarating kami sa may mini kitchen niya.
“Not really..” Wika niya habang sinasalinan ako ng kanin sa plato. Nabalot kami ng katahimikan habang nakain hanggang sa makarating na kami sa loob ng sasakyan niya nung matapos kaming kumain.
Mabilis lang kaming nakarating sa tapat ng building kung saan ang condo at makarating kami ay nagpaalam na siya sa akin at saka ko lang na-realized that na all this time magkasama kami eh hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.
“Salamat ha, pasensya na din sa abala.” Paalam ko sa kaniya bago siya tuluyang makaalis.
Pagkapasok ko ng condo ko ay kita ko si Kierra pagbukas ko ng pintuan at nakapamewang.
“Saan ka galing babaita?” Singhal nitong salubong sa’kin habang nakapamewang pa din.
“Ay sus, inumaga ka na nga eh.” Pang aasar pa nito sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa, masakit pa din ang ulo ko.
“Hoi, oo nga pala! Sasama ka ba sa’kin sa dinner party invitation ni Jacob?” Tanong ni Kierra referring to Jacob her suitor’s invitation to go to a dinner party.
Napahinto ako at napaisip wala naman akong gagawin within the day dahil weekend naman.
“Why not go diba?” Baling ko kay Kierra at nakita ko ang malaking ngiti sa mga mukha niya.
“Gora na us, samahan kita.” I giggled.
I see the hesitation in her eyes. “Nakakahiya at bukod do’n. Isn’t weird? Bakit niya naman ako i-invite sa isang dinner party with friends knowing I’m not yet belong to their circle of friends?” Rason ni Kierra kaya napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
“Well, I guess.. they just wanna know you more and bond with you and it will be possible if they invite you in to a dinner party or hang out with you, nando’n naman ako so don’t worry!” I said trying to cheer her up kaya napaisip siya.
“I know..”
“But, I’m still hesitant and shy to go. Feeling ko di naman kasi ako belong sa circle of friends nila.” Malungkot niya pang katwiran. Naiintindihan ko naman kung saan siya nanggagaling but I can see through Jacob naman na seryoso siya kay Kierra and I think he will fight for her and ready siyang panindigan ang kaibigan ko.
I pinch Kierra’s cheeks. “Masyado kang maraming dahilan ah! Hindi yan ang Kierra na kilala ko! Wala yata sa bokabularyo mo ang maging mahiyain kasi sating dalawa ikaw ang pinaka malakas ang fighting spirit! In short, ikaw ang pinaka walang hiya!” Pabirong wika ko pa sa kaniya kaya sinamaan niya lang ako ng tingin nung humalakhak ako.
“Grabe ka sa’kin, nahihiya din naman ako noh.” Nakangusong depensa pa niya sa’kin.
“Eto naman! Don’t be shy. Grab the opportunity! Isa pa maraming nagkaka-gusto do’n kay Jacob, isa sa mga bachelors sa lugar natin so why not grab the opportunity to get to know him diba?” Saad ko sa kaniya habang natingin timgin ako ng damit dito sa closet ko and wgen I turned to Kierra she’s busy browsing through her phone.
“Ui, ano pang inaantay mo diyan! Tara na, let’s pick a dress.” Taas kilay kong wika sa kaniya.
“Wait, I’m texting Jacob, I’m informing him that I will go with you.” Tipid niyang sagot habang nagta-type ng message sa phone niya.
“Oh, oh..”
“Gumana ang pamimilit ko! Yes!! Dinner party means having a chance to drink again tonight!!” Sabik kong wika sakaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“And then flirt with a stranger?!” Sarkastikong pang aasar pa niya tapos ay tumayo na siya at tinulungan na kong mamili ng susuotin namin sa dinner party.
Lol, mukhang mas excited pa ko kesa sa kaniya.
When I turned to her, she’s busy picking a dress. Ay binabawi ko na, mas excited pa din pala siya.
“Ano hinahanap mo diyan?” Takang tanong ko sa kaniya habang sinusundan ko siya ng tingin.
“Ano pa, edi picking out an outfit for you.” Wika naman nito at sabay abot sa’kin nung tatlong iba’t ibang klase ng silk string dresses.
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. “Bakit ako ba ang may date, eh plus one mo lang naman ako.” Reklamo ko pa sa kaniya sabay tangi sa dress na inabot niya.
“At saka kailan pa ko nag-suot ng ganitong klaseng damit?” Reklamo ko sa kaniya referring to the silk string dress.
“Oh, eh bakit nasa closet mo yan?” Mapang asar nitong tanong.
“May amnesia ka ba? Regalo mo sa’kin yan last year diba but I haven’t wear and maybe I won’t.” Katwira ko pa sa kaniya kaya nakitang napasimangot siya.
“I bought for you pa naman tapos hindi mo pala ginagamit, sayang naman ‘yung effort ko..” Malungkot pa niyang sabi. Aba, ibang klase din fo mang-gaslight para lang suotin ko ‘yung damit eh.
“Oh siya sige. Susuutin ko na yan at huwag ka na magtampo.” Wika ko naman sa kaniya.
“Oo dapat lang! At saka hindi naman puwedeng sobrang balot na balot ka do’n. Hello?! Pero kung hindi ka komportable puwede naman tayong humanap ng medyo classy na damit at ‘yung hindi masyadong revealing.” Reklamo nito at binaling niya muli ‘yung atensyon niya sa pagpili ng damit sa closet ko.
Habang busy si Kierra sa pagpili ay naupo muna ko sa isang tabi total naman siya ang magaling pagdating sa mga ganitong bagay bagay eh. Mas pala ayos at fashionista kasi siya kesa sa’kin at saka isa pa, siya naman talaga tong may date at extra lang naman ako.
“Huwag mong masyadong bonggahan, baka mapaghalataan tayo.” Biro ko sa kaniya habang namimili siya ng damit tapos sabay kaming nagtawanan.
Habang namimili siya ay napansin ko ‘yung slim fit trousers ko at ‘yung bagong bili kong cape blazer.
“I’ll wear this na lang.” Wika ko nung makita ko ‘yung mga damit na napusuan ko tapos ay kinuha ko yo’n sa loob ng closet ko.
“Oh, okay, that look so elegant.” Patungu-tungong Sabi pa niya ng makita ‘yung susuotin ko.
“Sige na, I’ll get ready, choose your outfit na at saka isa pa, ikaw naman talaga ang ka-date kaya bonggahan mo ang outfit mo! Pili ka na diyan, same size naman tayo para di ka na din ma-hassle kung uuwi ka pa.” Wika ko sa kaniya bago ako lumabas do’n sa walk-in closet ko.
Nang matapos kami ni Kierra na mag ayos ay agad naman kaming dumiretso do’n sa place na minessage sa kaniya ni Jacob. Hindi naman kalayuan yo’n sa tinutuluyan ko kaya agad kaming nakarating.
Hindi gano’n kadami ‘yung mga tao sa lugar halatang pina-reserve siya pero hindi pa man kami tuluyang nakapasok sa loob ay parang umurong ‘yung paa ni Kierra.
Nauna ako ng konti kay Kierra sa paglalakad at napahinto ako nung hinila niya ako pabalik.
“May problema ba?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
“Huwag na kaya tayong tumuloy.” Nag-aalangang wika niya sa’kin kaya hinarap ko siya at tinaasan ko siya ng kilay.
“Ano ka ba kung kailan nandito na tayo at saka ka pa aatras.” Reklamo ko pa sa kaniya.
Sasagutin ko sana ‘yung sinabi niya nung bigla namang sumulpot si Mr. Stranger sa harap namin?? Anong ginagawa niya dito?!
“Miss Gorgeous, what brings you here? Are you looking for me?” Maloko nitong wika sabay wink sa’kin. Siya na naman?!
Ito naman si Kierra sini-siko siko ako at ngumu-nguso sa kinaroroonan ni Jacob.
“Ikaw na naman?!” I loudly whispered but he just smirks at me.
“Your friend seemed to know Jacob and I guess he’s the one invited you, here?” Baling nitong muli sa’kin.
“Ah, Oo siya,kaso mukhang hindi na kami tutuloy..” Singit ni Kierra samin.
“Why?”
“Come on, girls, don’t be shy at us, remember, I don’t bite..” Pabirong asar pa niya samin bago kami ayain sa loob nung restua-bar.
Sumunod na lang kami ni Kierra sa kaniya, buti na lang kahit paano nawala ‘yung kaba ko. Knowing na kasabay namin siyang pumasok sa loob.
Papasok na kami sa likod nung biglang huminto si Kierra kaya napahinto din ako. “Anong problema?” Lingon ko sa kaniya.
“Sis, teka lang.. mauna na kayo sa loob. Tumatawag kasi si Mommy mukhang may emergency sa bahay.” Natatarantang paliwanag nito at saka nagmamadaling tumakbo papalabas kaya wala akong nagaw at naiwan na naman akong mag isa kasama tong stranger na to!
Lokong yo’n ah! iniwan ako! Mas lalo tuloy akong naging uncomfortable at para ayoko na ding tumuloy, hindi rin naman kasi talaga ako ang invited dito eh. Susundan ko sana si Kierra nung biglang lumingon si Mr. Stranger sa akin at pinigilan akong umalis.
“Saan ka pupunta?”
“At saka, nasan na ‘yung kasama mo?” Sunod sunod nitong tanong sa’kin habang hawak hawak niya pa rin ang pulso ko.
Magsasalita sana ako nung marinig kong may tumawag sa pangalan niya, isang group ng kababaihan. I don’t know that he’s famous with girls. “Luis!!” I heard one of the girls called his name. So, his name is Luis?! Nung marinig ni Luis ‘yung mga tawag sa kaniya ay dali dali niya akong hinila papasok sa loob ng restua-bar.
“So, your name is Luis.” I whispered to him while we’re walking inside the bar and he’s still holding my hands.
“Yeah.”
“Pasensya ka na ha.” Tangi nitong nasabi habang naglalakad kami sa loob ng bar, hindi ko alam bakit hindi namin dinaanan sina Jacob at tuloy tuloy kami ni Luis sa paglalakad sa loob ng Restaurant bar hanggang sa makarating kani sa second entrance no’n which is sa likuran.
Para na din siyang emergency exit kasi konti lang ‘yung dumadaan dito.
“Ihahatid na lang kita pauwi.” Seryosong sabi niya habang palabas kami.
“Pero paano si Jacob?” Tanong ko naman sakaniya. Hindi kasi nakapagpaalam si Kierra sa kaniya baka isipin no’n gino-good time siya ni Kierra by saying na pupunta siya kahit hindi naman pala.
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. “Kaya niya na yo’n, sana’y yo’n dito. Isa pa marami ‘yung kakilala rito kaya huwag niyo siyang alalahanin ako na lang ako magsasabi sa kaniya bakit hindi kayo nakapunta. I’m sure he’ll understand us lalo na ‘yung kaibigan mo.” Paliwanag ni Luis at saka kami nagpatuloy maglakad palabas tapos napahinto kami nung may tumawag kay Luis na isang babae.
“Luis!” Magiliw na tawag nito kay Luis sabay beso kay Luis. Hindi ko masyadong narinig ‘yung usapan since nasa loob pa din kami at medyo maingay pa rin at mahigit limang kilometro ang layo ko sakanila.
“Hello Miss, I’m Laura. I am a friend of Luis and Jacob. Ingat kayo huh?!” Pagpapakilala niya sa’kin bago siya tuluyang pumasok sa loob.
“See?” Luis reacted when I look at him.
Pagdating namin sa parking lot walang katao tao buti naman! Tahimik ‘yung buong biyahe namin, gusto ko sana magtanong tungkol sa kung bakit iniwasan niya ‘yung mga babae kanina eh kaso nahihiya naman ako.
“I.. already know your name so I guess it’s fair if I introduced my self to you too.” Basag ko sa katahimikang bumabalot samin.
“My name is Celestea Elisse.” Pagkasabing pagsabi ko no’n nakita ko ang ngiti sa mga labi niya.
“Beautiful name, beautiful as you.” Nakangiting komento niya kaya hindi ko alam pero parang nag-blush ako sa sinabi niya.
“Nga pala, I am sorry about what happened earlier.” Dugtong niya pa at saka niya hininto sandali ang kotse niya sa tabi.
“Na’ko, wala yo’n!” I exclaimed.
“Pero.. do you know them ba?” I curiously asked kaya nakita kong bahagya siyang natawa.
“No, they are those girls who likes to flirt with guys in that restau-bar.
“You didn’t like one of them?” Nabaling ‘yung tingin niya sa’kin.
“I like you more.” Bulong niya sa’kin tapos ay nginisihan niya lang ako.
“Kakakilala pa lang natin kagabi.. don’t be funny.” Sarkastikong wika ko sa kaniya sabay halakhak.
“Just kidding.. but I like to know more about you.” He said.
“But serious question.. bakit hanggang ngayon single ka pa din?” Tanong ko, hindi ko alam bakit ko na tanong yo’n pero nakikita ko kasi na madami siyang katangian na kagusto gusto at siguro ako maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya. Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong paligid sa naging tanong ko sa kaniya dahil ilang minuto ang lumipas bago niya sinagot ang tanong ko.
Parang nabago ‘yung awra niya at ekspresyon ng mukha niya mula sa pagiging chill hanggang sa pagiging malungkot.
“I don’t believe in love anymore. It’s just a waste of time.” He bitterly said at pilit siyang ngumiti.
“Love is just going to make you feel crazy and confused about yourself. Sometimes it creeps me out to think the whole concept of love and what it can do a person.” Explain pa ni Luis sa’kin.
“Iyong kahit binigay mo na lahat, nagawa ka pa ding ipagpalit sa iba, ‘yung minahal mo ng sobra tapos malalaman mong ginawa ka lang palang panakipbutas.” Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.
“Love only ruined me, Elisse.”
“It only caused me so much pain, pain that is hard to endure, it gave me memories and trauma that is so hard to forget.” Those words of his makes me think that love can be cruel at times. Tahimik lang akong nakikinig sa mga kuwento niya hanggang sa makarating kami sa tapat ng building kung saan ako tumutuloy.
“Sorry, Luis. I shouldn’t ask you that.” Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya nung makahinto ‘yung sasakyan niya.
“It’s okay, I don’t mind that. Isa pa, I should be the one to say sorry because I over shared. But thank you for listening, Miss Gorgeous.” Pabirong saad niya at saka ngumiti sa’kin.
“Ayos lang yo’n, kahit buong taon pa tayo rito ang importante nailabas mo lahat yan.” Pang aasar ko naman sakaniya kaya parehas kaming humalakhak.
“But seriously, thank you. Elisse. It really means alot.” Wika nito bago bumaba ng sasakyan niya para pagbuksan ako ng pintuan.
“Nga pala, what happened to your fiancé?” Napahinto ako sa tanong niya dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong niya.
“Based on your expression, I guess you are okay.” He commented.
“He didn’t bother to go to you or even contact you?” Dismayado pang saad ni Luis kaya umiling ako. Oo nga, simula nung pag-aaway namin at makikipag-cool off ko sa kaniya. He didn’t make any effort to confront me or make things work for us.
Umiling ako at ngumiti. “Huwag na natin siyang pag-usapan.” Nakangiting wika ko sa kaniya.
“By the way, Ingat ka ha, don’t be sad. Hindi bagay sa gwapo momg mukha.” Paalam ko naman sakaniya bago siya umalis.
“Same to you, Miss Elisse.” Magiliw nitong wika tapos ay napahinto ulit siya.
“Elisse, if you are no longer happy with him just leave. Huwag mong piliin ‘yung taong hindi ka naman kayang piliin pabalik.” Seeyoso niyang payo sa’kin at napakalalim no’n para sa’kin. It’s a meaningful one.
Sa mga puntong ito, hindi ko na din alam kung dapat ko bang ipaglaban kung anong meron kami ni Sean kung siya mismo hindi niya ako kayang ipaglaban at panindigan, na mas nangingibabaw sa kaniya ‘yung pagmamahal niya sa ex niya kesa sa’kin na magiging asawa na niya.