"Huwag po! Huwag po! Maawa po kayo sa akin! Huwag!" Napabalikwas ng bangon si Regina matapos siyang managinip ng hindi maganda. Rumagasa ang masaganang niyang luha habang si Ford naman ay agad na pumasok sa kuwartong iyon nang marinig niya ang sigaw ng dalaga. "Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Tumingin sa kaniya si Regina at mas lalo pa itong lumuha. Nataranta tuloy si Ford at hindi alam ang gagawin. Nilapitan niya ang dalaga. "Huwag ka ng umiyak, please. Hindi ko alam kung paanong magpatahan ng babaeng umiiyak. Ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit tumatakbo ka ng sira- sira ang damit mo? Halos makita na ang dibdib mo..." malumanay na sabi ni Ford. Pinahid ni Regina ang kaniyang luha bago huminga ng malalim. "Iyong t- tita ko... akala ko ihahanap niya ako ng trabaho para makatulong s

