HUMAHANGOS na nagpunta ng honeymoon suite ang pamilya ni Bernard. Panay ang paumanhin sa kanila lalo sa kaniya kahit pa nga inamin naman niya na siya ang may kasalanan ng lahat. Nagpasya ang mga lalaki na hanapin si Bernard sa tulong ni Michael samantalang naiwan naman ang mga babae sa honeymoon suite. Lahat ay nakatanghod sa kaniya. Si Lola Anita ay nakaupo sa may sofa katabi sa magkabilang gilid sina Maritoni at Penelope na dumating na rin sa honeymoon suite dala ang wedding gown niya. Ang mommy niya at ang mommy ni Bernard na si Marge ay kapwa hawak ang mga kamay niya. ‘Calm down, Tori. Calm down,’ pagpapakalma ng utak niya sa kaniya. Pero ayaw makinig ng puso niya. Parang sasabog ang puso niya sa sakit. Umiyak pa rin siya nang umiyak. Nagbabakasakali na pagkatapos niyang iluha ang l

