CHAPTER FORTY-SEVEN

1434 Words

GAYA ng inaasahan ni Bernard, wala pang alas-diyes ng umaga ay tumunog na ang doorbell ng condo ni Tori. Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at akmang hahakbang patungo sa may pintuan para pagbuksan ang wedding coordinator nang mabilis siyang hinawakan sa braso ni Tori at saka tiningala. “Just act like you are really in love with me, all right? We cannot let anybody know about our plan, okay?” wika ng dalaga. Nginitian niya ito bago siya tumalungko at pinakatitigan ito. “I’ll just act as normal as possible, okay? Don’t worry,” aniya at saka bahagyang pinitik ang tungki ng ilong nito bago siya tumuwid ng tayo. “Let’s go,” yaya niya rito bago ginagap ang palad nito at saka nagdiretso sa may pintuan at binuksan ang pinto. “Ahm, hi. Good morning! I’m Penelope,” pakilala agad n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD