TORI cried her heart out under her sheets. Iyon lang ang kaya niyang gawin sa pagkakataong iyon hoping that it will at least lessen the pain she’s feeling right now. She never thought that seeing Bernard again after so many years will still hurt her like hell. Ang akala pa naman niya, sa tagal na panahon na iniiwasan niyang hanapin ito, ang magtanong kina Harold at Tita Marge niya o i-search ito sa internet ay hindi na siya masasaktan nang ganito kapag nagsanga muli ang mga landas nila. Akala lang pala niya iyon. Tulad ng akala niya na hindi na niya mahal si Bernard. Tulad ng akala niya na nalimutan niya na ito. Tulad ng akala niya na naka-move on na siya mula sa pagkahibang dito noon dahil sa iba ang pinili nito despite ng paglunok niya ng napakataas niyang pride at pag-amin na na

