Weekend pinuntahan nila ang kanilang daddy para isama nila itong mamasyal. "Lolo, nandito na po kami!" masayang sigaw ni Matthew sa kanyang lolo. Miss na miss niya na ito kaya niyakap ni Matthew ang kanyang lolo. Sobrang saya niya dahil medyo matagal na silang hindi nakakabisita. "Lolo I'm sorry po huh, kung hindi kami nakapunta dito dahil busy po kasi lagi si daddy. Namimiss na po kita lolo." hinalik halikan ni Matthew sa noo ang kanyang lolo. "Okay lang apo, kumusta na ang pag-aaral mo apo? Namimiss din kita ng sobra sobra." "Okay lang po lolo, marami po akong perfect score eh." Lumapit sa kanila si Maxine at humalik siya sa kanyang daddy in law. "Daddy kumusta po kayo?" hinalikan ni Maxine ang kanyang father in law sa noo at niyakap niya ito ng mahigpit. "I'm sorry daddy, kung medy

