"Maxine, promise hinding-hindi kita iiwanan. Matulog ka na huh, dito na ako sa sofa matutulog baka ano na na naman ang gagawin mo. Magbihis ka na bago ka pa mag kasakit." "Albert, okay lang ako. Di ko na uulitin 'yon promise." "Okay Max, basta huwag mo ng uulitin 'yon huh. Ayaw kong mawala ka sa ‘kin. Ayaw kong mag kasakit ka." saad ni Albert. Paggising ni Maxine, nakaramdam siya ng gutom at agad siyang bumangon para bumaba sa kitchen. Nagulat siya dahil nakaamoy siya ng tocino. Pagdating niya sa kusina nakita niya si Albert na nagluluto ng breakfast. "Wow. . . Ang bango naman, hmmm. Good morning Albert, thank you. Akala ko umalis ka na eh." saad ni Maxine. "Good morning Max. Umupo ka na habang mainit pa ang soup. Alam ko kasing may hang-over ka paggising mo." "Albert, maraming sa

