"Oo naman Carol, natatandaan ko lahat para hindi ako mahirapan at hindi ako maging pabigat kay Sir Michael." "Carol ang ibig kong sabihin ang kanyang suot. Masyadong open, hindi ako comfortable." tumayo na si Michael dahil may pupuntahan pa siyang meeting. "Janeth, ikaw ang kasama ko sa aking mga lakad kaya baguhin mo ang pananamit mo. Hindi ko gusto." lumabas na si Michael sa opisina at nagtinginan sina Janeth at Carol. "Janeth, ‘Bat kasi ganyan ang suot mo? Para kang sumasayaw ng dancing queen sa bar." "Carol I'm sorry, akala ko kasi okay lang sa kanya na ganito ako mag damit. Hayaan mo Carol bukas hindi na ganito ang susuotin ko." "Okay Janeth, sige, gawin mo na lang muna ang pinapagawa ko sa 'yo." *** Lumipas ang mga buwan, nanganak na si Maxine at isang batang lalaki pa rin ang

