"Janeth promise tutulungan kita. Tutulungan kita, tama na, huwag ka nang umiyak. Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo ngayon. Pareho lang tayong biktima sa kasamaan ni Ivy. Sa hotel ka muna magtago. Dadalhin kita doon, pupuntahan na lang kita kung anong dapat nating gawin para mahulog sa bitag si Ivy." "Salamat Maxine, maraming salamat. Napakabait mo talaga, I'm sorry kung isa ako sa dahilan kung ‘Bat nagkagulo kayo ni Michael. Huwag mong hiwalayan ang asawa mo Maxine at itago mo ang mga anak mo habang hindi pa alam ni Ivy na lumantad ako. Dahil alam kong gagantihan ka niya kung malalaman niya na ikaw ang tumulong sa ‘kin." "Okay Janeth, ipapadala ko muna sila sa America habang hindi pa napaparusahan si Ivy." dinala ni Maxine sa isang hotel si Janeth para doon muna magtago. Pum

