"Lolo sinama po namin si yaya para po may mag alaga sa ‘kin. Lolo paglaki ko po, gusto ko maging doctor para gamutin ko po ang mga paa ninyo para makalakad na po kayo ulit. Kaso lolo matagal pa po 'yon di 'ba? Hihintayin mo naman ako di 'ba po ba, lolo?" "Oo apo, bata pa naman ang lolo mo eh maabutan pa kita at tuparin mo ang sinabi mo na maging doctor ka apo para magamot mo ang lolo." "Kumain ka ng prutas lolo huh, para may energy ka po." Araw-araw binigyan ni Matthew ang kanyang lolo ng mansanas. Nakaupo siya katabi ng kanyang lolo habang binabasahan siya ng mga kwento. Pagdating ni Maxine at Michael galing sa trabaho tuwang tuwa si Matthew kasi maglalaro na naman sila ng kanyang daddy. Dumating ang gabi, magkatabing natulog si Matthew at ang kanyang lolo. Habang ang yaya naman ni Max

