IT HAD been ages since the last time Gabrielle visited a bookstore. May kinailangan siyang bilhin sa mall nang Linggong iyon at napadaan siya sa bookstore. Ilang sandali siyang napatitig sa naka-display na boxset ng Harry Potter bago siya nagdesisyong pumasok sa bookstore. Nagtungo siya sa children’s book section. Dumampot siya ng ilang libro at pinagmasdan ang mga iyon, nag-iisip kung bibili siya o hindi. Noong bata pa siya ay mahilig siyang magbasa at magkuwento. Ayon sa kanyang ina, kahit ano raw ay binabasa niya mula nang matuto siyang magbasa. At lahat ng nababasa niya ay ikinukuwento niya sa mga kapatid at magulang niya. Mahilig siya sa kuwento tungkol mga magic at fairy. Mahilig siya sa pantasya. Noong elementary siya ay marami siyang nagawang kuwento na ibinahagi niya sa lahat n

