"May tutuluyan kayo sa East Dormitory. May maghahatid sa inyo. Huwag kayong lalabas ng dormitoryo nang walang pahintulot.” “Sir, teka lang,” sabi ni Ivan. “Hindi n’yo pa po nasasagot kung bakit walo lang ang kinikilala ng university.” Tumingin si Sir Monching sa kaniya. “Dahil ang unibersidad na ito ay para lamang sa walong estudyante.” “Pero bakit kami sampu?” Saglit na natahimik ang principal. Pagkatapos, marahan niyang isinara ang attendance book. “Hindi ko alam kung bakit kayo sampu.” Tumingin siya sa amin isa-isa. “At iyon ang dahilan kung bakit dapat kayong mag-ingat.” --- May babaeng naghihintay sa labas ng opisina. Nasa edad trenta siya, maayos ang pagkakatali ng buhok, at nakasuot ng cream-colored blouse at itim na palda. “Hello,” masigla niyang bati. “Ako si Ma’am Ba

