Flare's narrative: Kahit na nagkaroon ng kaunting tensyon sa pamilya ni Janelle, naging sulit pa rin naman ang pagpunta namin doon, at nagkasundo na rin sila ng daddy niya, which made her happy. Pero nagtataka lang ako ngayon, simula nang sumakay kami sa plane hanggang dito sa gitna ng EDSA, tahimik lang siya. "May problema ba Janelle?" Natigil ang pagpipisil niya sa mga kamay n'ong hawakan ko ang mga 'yon. Tumingin siya sa 'kin na parang ngayon lang kami nagkita. "W-wala... wala Flare. Napagod lang siguro ako sa biyahe natin." I nodded to her but I was furrowing my eyebrows. Then I looked at Ron who was driving. "Ron, diretso tayo sa bahay ko..." From the mirror, he took a quick glimpse at me and winked. "Yes, boss..." "Flare, bakit sa bahay mo? Hindi ba muna ako uuwi?" Janelle que

