Janelle was filling the couch like a first time visitor in her own house as she watched Flare. He was drinking his sixth glass of scotch like an ice cold water, pero wala siyang anumang senyales ng pagkalasing, kahit na ang pagkawala ng balanse. O, marahil, hindi lang niya ito napapansin dahil ang buong atensyon niya ay nasa cellphone na kulang na lang ay ihampas niya sa counter.
"Crimson, Isang linggo lang ang leave ko, not one year! Siguro naman makakapaghintay ang ITrends. Matagal din nila akong niligawan para maging new endorser kaya hindi nila ako basta-basta pakakawalan! You take charge okay? Ayusin mo 'yan para sa 'kin!"
Napakunot ng noo si Janelle nang marinig ang umaalingawngaw na boses ng aktor. Why he seemed so stressed? Hindi ko naiisip na pwede pa siyang magkaroon ng problema, samantalang nasa kanya na ang lahat.
"Flare, remember you haven't signing! They can replace you any moment. Now if you still care for your new commercial, you'll come out wherever you are! Or else they're gonna give the contract to Noah."
"What? No! They won't do that! Doon pa sa sira-ulo na 'yon? Gusto ba nilang masira ang reputation ng company nila?"
"Malaki ang posibilidad na kunin ng ITrends si Noah, Flare. At hindi rin sila masisira because of his past issues. Advantage pa nga 'yon kasi he's one of the top and trending supermodels at present. So if you still care for your career, you won't let this happen. You understand?"
Flare wanted to scream in anger but words weren't enough to express what he felt at the moment. Until he perceived some blood drops from the table followed by pinprick pain from his right hand.
"Oh, s**t!" he wailed. He used his left hand to pressed the wrist of his wounded right hand.
Awtomatikong napatakbo si Janelle sa minibar. "M-may sugat ka!" aniya habang nakahawak sa braso ng aktor.
"I'm okay!" Flare denied, turning his back at Janelle. "I got this, alright? Just direct me to where the faucet is."
"S-sige. Bathroom is through there." Itinuro ni Janelle ang daan papuntang kusina.
Dali-daling tumakbo si Flare sa banyo. Agad niyang binuksan ang gripo at itinapat sa umaagos na tubig ang kamay niya. Bagaman huminto na ang pagdurugo, hindi pa rin siya tumitigil sa pagrereklamo dahil sa kirot. "Pag minamalas ka naman talaga." bulong niya habang umiiling. Isinara na niya ang gripo at sinuri ang kamay. "Buwisit, may naiwan pang bubog."
Iyon namang pagpasok ni Janelle sa banyo. She could no longer take staring at Flare's handsome face crumpled by pain. "Give me your hand." Binuksan niya ang medicine cabinet na nasa uluhan lang ni Flare at kinuha mula rito ang bulak, betadine, at benda saka muling lumingon sa aktor. "What?"
"Gagamutin mo ako?" he said, showing his wounded palm.
"Oo naman," she answered, washing a small metal puller with an alcohol. "Okay, hold your breath while extracted the broken glass from your skin.
At iyon nga ang ginawa ni Flare.
Half of an hour had passed by. Janelle was now wrapping Flare's hand using bandages. Ganito rin katagal na nakatitig ang aktor hindi sa kamay niya, kundi sa seryosong mukha ni Janelle.
"And...done," ani Janelle habang inilalagay ang pin ng bendahe.
Flare opened his hands, then closed it into a fist. "Wow. I can't feel the pain anymore. Thanks for this, Janelle. Hindi ko alam marunong ka palang mag-first aid."
"Not a big deal. Actually, ngayon ko nga lang naalala na meron ako niyan. I didn't expect, sa'yo ko gagamitin."
"I'm lucky then." Muli siyang tumitig nang matagal sa dalaga. He stared at every inch of her flushed face.
"W-why are you staring like that?" Iniwas ni Janelle ang paningin kay Flare at itinuon sa pagligpit ng mga gamit sa medicine cabinet.
"Wala naman. Naisip ko lang kung anong sasabihin ng boyfriend mo kung makikita niya ako sa bahay mo ngayon."
Napakunot ng noo si Janelle. Dahil kasabay ng tanong ng aktor, muli na namang nanariwa ang sugat sa kanyang puso. Naisip niyang mabuti pa ang sugat na ginamot niya ngayon dahil naghihilom ito. Unlike the one deeply engrained inside her heart, na sa tingin niya'y hindi na maghihilom at hindi niya alam kung hanggang kailan niya dadalhin.
"I have no boyfriend."
"What?" Flare tilted his head and smiled widely. Sa ganda mong 'yan? Bulag ba ang mga lalaki dito sa city n'yo?"
"Bakit? Kailangan bang may boyfriend ako?" she asked, with her thought taking a quick glance at those moments she rejected a battalion of men attempted to court her after Noah.
"Hmm, hindi naman." Lumabas na si Flare sa banyo habang si Janelle ay nakasunod naman sa kanya. "Pero buti single ka. Kasi kung hindi, baka hanggang tingin na lang ako sa yo."
Napataas ng kilay si Janelle sa huling tinuran ni Flare. "H-hanggang tingin? What do you mean?"
Imbes na sumagot si Flare sa naiintigang tanong dalaga, isang matamis na ngiti lamang ang ipinamalas niya. Muli siyang bumalik sa minibar at akmang ipapatong na niya ang mga kamay sa mesa nang pigilan siya ni Janelle.
"Wait, ako na ang magliligpit dito."
"What? No. This is my mess. I'll handle this. Baka ikaw naman ang mabubog. I don't wanna see any wound from you're delicate, smooth skin. Sayang ang balat mo." Flare started to collect those small pieces of glass and placed them inside a black plastic bag brought by Janelle. Nang matapos ito'y muling naupo si Flare. Kumuha siya ng dalawang wine glass at sinalinan ang mga ito.
"Join me here, Janelle. Uminom tayo habang pinag-uusapan natin ang pagtira ko rito sa bahay mo."
Nag-aalinlangan man, marahang lumapit si Janelle at umupo sa tabi ni Flare. Now she wanted to blame the chair's design. Dahil maliit ang mga espasyo sa pagitan ng mga bilog na upuan at ramdam niya ang pagkakadikit ng kanilang mga tuhod. Bagaman nakasuot pa ng slacks ang aktor, ang kiskisan ng kanilang mga hita ay nagdudulot ng mabilis na pintig sa kanyang puso.
"So, titira ka dito ng... one week?"
"Yeah." Flare managed one bottoms up followed by an ahhh, and nod. "I'll be your paying guest."
"Paying guest? No Flare, you don't have to do that. You're a visitor."
"I insist, Janelle. Alam kong hindi mo naman kailangan ng pera. I can tell that just by looking at your huge house." Flare said scanning around. "But let me do this because I wanted to. Para makabawas din sa pakiramdam ko na pabigat ako sa 'yo rito."
Janelle looked into his light brown eyes deeply. Paanong magiging pabigat ang aktor na ito samantalang halos walang gabi ang dumaan na hindi niya ito inisip. Part of her dream was to be with him, pero sa gabing ito'y mukhang hindi siya makakatulog.
"O-okay. If that's what you want, the treaty is closed."
Flare smile widely. "Good." Before drinking his next glass, he offered a toast as a sign of their agreement.
Wala silang pulutan, ngunit ang palihim na sulyap ni Janelle sa mga braso ng aktor ay sapat na upang mabusog ang kanyang mga mata. Naramdaman din niyang nag-iinit na ang kanyang pisngi pero hindi 'yon dahil sa alak.
"Okay lang bang hubarin ko muna ang polo ko?" tanong ni Flare habang tinatanggal sa pagkakabutones ang suot. Pagkainom pa lang niya kanina sa unang baso'y nauna na niyang hinubad ang tuxedo. Ngayo'y pakiramdam niya'y nasusunog na ang loob ng kanyang katawan dahil sa init, bagaman malakas ang pagkakabuga ng aircon.
"O-okay l-lang," ani Janelle sabay tungga sa kanyang baso na hindi humihinga. Muli siyang nagsalin at habang iniinom ito'y sa hubad na katawan ni Flare napako ang kanyang paningin. From his broad chest, Janelle's sight explored southwards.
Oh, God, Sa gym na ba siya nakatira?
Iniyuko ni Janelle ang mukha at inilapag ang baso sa counter. Kung patuloy pa niyang tititigan ang maganda at mainit na tanawin sa kanyang harapan, baka matagpuan na lang niya ang sariling nalulunod hindi lang sa alak, kundi sa pagnanasa.
"Enough for this. Madaling araw na," she murmured, avoiding to looked at his face and torso. "Tara sa taas. I'll show you your room."
Nakangiting napatitig si Flare sa magkahawak nilang mga kamay habang paakyat ng hagdan. Mas nauuna ng isang hakbang si Janelle samantalang nasa likod niya ang aktor na biglang kumapit sa kanyang baywang. Bagaman bahagyang naiilang ang dalaga, hinayaan na lang niya ito dahil ramdam niyang nawawalan na ng balanse ang aktor. Maybe he could tolerate few glasses of scotch. But taking down three bottles of it will make its spirit posses his body.
Binuksan ni Janelle ang guest room at lumingon sa likod niya. "Come on in."
Marahang humakbang si Flare papasok at iginala ang paningin. The cream walls with abstract paintings hanging; black and white pillows; and a king sized bed made him smile. "This is really nice. It's like a luxurious hotel room," aniya habang tumatango. Umatras siya at hindi sinasadyang natumba sa kama. "I can live here for more than a week," natatawa niyang bulong.
Janelle frowned and walked towards the bed. "What? Sabi mo one week ka lang?"
Ipinihit ni Flare ang mukha kay Janelle at kumindat. Nang makita niyang nakapatong sa higaan ang kamay ng dalaga, dinakma niya ito at mabilis na hinila kaya napahiga sa tabi niya ito.
"s**t!" ani Janelle na nanlalaki ang mga mata.
"Then I'll pay for another week. Wala naman tayong contract, 'di ba? So I can stay here as long as... a-as l-long a-as... I...want..." pahina nang pahina ang boses ni Flare at kalauna'y tamihik nang nakapikit.
Napangiti si Janelle at marahang bumangon. He's just drunk. Naupo siya sa tabi nito at pinagmasdan nang matagal ang gwapong mukha ng aktor. Napansin na lang niyang nakahawak na ang kamay niya sa pisngi nito.
I really don't know what to do. How am I gonna deal with him? Iba pa rin pala 'yong kasama ko siya sa totoong buhay. Hindi pa naman ako pwedeng mag-open kay Katya...
Inilapit pa niya ang mukha sa aktor hanggang sa naririnig na niya ang payapang paghilik nito. Then an idea popped inside her mind. Natutulog naman siya. Maybe... maybe I can kiss him. Just one quick smack and I'll go... Ngayon, alam na niya ang tunay na pakiramdam ng matamaan ng alak.
Kaya hinawi niya ang mahabang buhok palayo sa mukha at dahan-dahang idinampi ang mga labi sa labi ni Flare. She's invading his, and she never knew scotch had never been so good until it's inside his mouth. Her heart was beating fast and the heat was scattering all over her body.
Oh, s**t!
Janelle held her breath when suddenly Flare opened his mouth and sucked her lower lip. Huli na para tumigil ang dalaga at iangat ang katawan. Nasa likod na niya ang mga braso ni Flare na kanina lang ay pinag-iisipan niyang haplusin. She was trapped.
Oh, my God. He caught me!
Flare moved and opened his eyes. Mapungay ang mga matang tinitigan niya ang namumutlang mukha ni Janelle. "That's the sweetest kiss I ever tasted," he whispered, licking his own lips.
"F-Flare, s-sorry... I... I don't mean it..."
"Don't say that." Kinabig ni Flare ang baywang ni Janelle at muling inihiga sa kama. Then he hugged her. Very tight. Napalunok na lamang ang dalaga at halos lumabas ang puso sa loob ng kanyang dibdib.
"F-Flare, w-wait. I can't move!"
"You don't need to move, Janelle." Hinalikan ni Flare sa noo ang dalaga at tuluyan nang bumagsak sa unan ang kanyang ulo.
"Just be with me..."