Matamang nakatitig si Janelle sa excel sheet ngunit ibang mukha ang nakikita niya sa likod ng mga numero.
"Ugh! Could you just please get out of my mind? You're really a distraction," she whispered, gritting her teeth.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawaglit sa isip niya ang imahen ng aktor nang makita niya itong naliligo. His strong face was at the shower above his head and his hands were applying lather everywhere. The way he scrubbed his body with a sponge made her face flushed. And when she accidentally spotted at his erected c**k, her panties got damped and it sent heat all over her.
"Ma'am Janelle?"
Janelle shook her head to clear the carnality corrupting her mind as she heard the soft voice of her assistant. She was standing beside the opened door carrying a box bigger than her upper body. "Heto na po 'yong mga damit na pinili n'yo. Saan ko po pwedeng ilapag?"
She gaped at the box and smiled when her consciousness diverted to somewhere else, or rather someone else. Bagay siguro sa kanya ang mga shirt na pinili ko. Sana magustuhan niya.
"Ma'am, saan ko po ilalagay?"
She froze and clear her throat. "Ah, there. D'yan na lang sa sofa, Ana. Thanks."
"Sige po, ma'am."
Nang mag-isa sa siya'y ikinandado agad ang pinto at tinakbo ang kahon. Pinaikutan niya ito ng packing tape at binalutan ng asul na gift wrapper saka sinulatan ng note na 'To: F.'
Matapos gupitin ang huling hibla ng scotch tape, naupo siya sa sofa at kunot-noo na tinitigan ang kahon. "Do I really have to do this? Hindi naman 'to regalo since he paid for these. Masyado na yata akong papansin sa kanya."
Though she was questioning her act, she couldn't deny the truth that she wanted to be noticed by Flare. Dati-rati'y hindi naman siya namimili ng isusuot at kung ano ang mabunot niya mula sa closet ay ito na ang irarampa niya. Sabagay, kahit ano namang ibihis niya'y nagpapalitaw sa kanyang kagandahan. Pero kaninang umaga, halos isang oras ang ginugol niya sa paghahalungkat ng damit, masiguro lamang na mapapangiti si Flare kapag magkaharap na sila sa mesa.
"Ma'am Janelle, nandito po si Miss Katya," tawag ni Ana sa likod ng pintuan.
Napakurap si Janelle at agad na itinago sa ilalim ng kanyang mesa ang kahon, saka binuksan ang pinto.
"Oh, Katya! Bakit ang aga mo? Wala ka bang pasok?" aniya habang pinapahapyawan ng tingin ang kaibigan mula ulo hanggang paa.
"Wala, girl. Absent ang professors ko. Kaya naisipan kong pumunta dito sa mall. Don't worry hindi ako mangungulit ngayon. Sa sine talaga ang destination ko."
"Na naman?" Janelle frowned.
"Bakit hindi? Hindi naman ako nagka-cutting, ah! Saka tapos na kaming mag-present ng thesis kaya pa-easy-easy na lang kami," ani Katya na halos humiga na sa sofa.
"And what are you gonna watch today?"
"As usual! Flare's movie. Tatlo kaya ang movies niya na dinudumog ngayon, noh! Isa pa lang ang napanood ko. I need to see them all. Saka baka nandoon ulit si Flare! Pag nakita ko siya, hindi talaga ako papayag na hindi makapagpa-autograph saka selfie sa kanya!"
Pasimpleng natawa si Janelle habang nagpapatuloy sa pagti-type sa laptop. Kung alam mo lang Katya. "Okay, Miss fan girl. I support you for that. Pero don't you dare invite me now. I still won't join you, okay?"
Halos lumundag si Katya nang bumangon siya sa sofa. "Alam ko, noh! Busy ka na paunlarin ang Pilipinas. I support you too. Sige, mauuna na ako kasi nagba-vibrate na ang cellphone ko. Sigurado classmates ko 'to," ani Katya habang nagbabasa ng mga text. "Oh, nasa labas na sila ng J's Apparels! Sige, Girl! Text-text na lang tayo ha! Bye!"
"Enjoy," tugon ni Janelle ngunit nasa monitor na ang atensyon niya.
Dumaan ang maghapon at kaliwa't kanan ang pag-aasikaso ni Janelle sa mga customer sa boutique. She had strenuous assistants at the same time very reliable, but she wanted to be actively and personally involved in her business. She's one crazy fan girl too like Katya, however her inner nature had this strong fervor particularly for fashion business. She treated her designs like babies.
"Oh, no! It's 6pm!" she blurted, eyeing at the wall clock. "Nakalimutan ko, sabi ko nga pala kay Flare, dadalhan ko siya agad ng shirts!"
Matapos magbilin sa mga assistant, mabilis niyang inayos ang sariling mesa at lumabas na ng boutique.
Ano na kayang ginagawa niya ngayon. Is he walking around the house naked? Does he know how to cook? Maybe not. Magti-take out na lang ako ng food sa resto, maybe he's starving now.
Samu't sari pa ang naiisip ni Janelle habang nagmamaneho. Kung hindi lang traffic, siguro'y kanina pa lumilipad ang kotse niya dahil sa pagmamadali. Gayumpaman, napapangiti siya sa ideyang may naghihintay sa pag-uwi niya at ito'y walang iba kundi ang matagal na niyang pinaglalaanan ng atensyon.
"What's your order, ma'am?" tanong ng waitress nang nakaupo na siya sa isang table habang nagbabasa ng menu.
Muli niyang naalala ang paborito ni Flare. She had done a lot of research about him before, at hindi makakatakas doon ang tungkol sa gusto nitong pagkain.
"Grilled tuna and vegetable salad please. Two orders."
"Okay, ma'am."
Matiyaga siyang naghintay para sa mga pagkain ngunit ayos lang. Isa ang restaurant na 'yon sa may pinakamasasarap na putahe kaya alam niyang hindi siya mapapahiya sa panlasa ng aktor. "Oh, God, pakiramdam ko may inaalagaan akong baby," aniya habang kinikilig na dinukot ang cellphone mula sa handbag. Ngunit agad din siyang napasimangot nang silipin ang contacts. "Great. Pa'no ko mati-text si Flare? Wala naman pala akong number niya."
Makalipas ang halos kalahating oras, inilapag ni Janelle ang mga order sa backseat ng sasakyan. Sa dami ng mga ito'y nagmistulang extension ng resto ang kanyang kotse dahil umiikot ang amoy ng mga putahe. "These foods are tempting. Kaya kailangan ko na talagang makauwi, baka umiiyak na sa gutom si Flare." Bigla siyang natawa nang maaninag sa sariling isipan ang itsura ng aktor na nagrereklamo.
Ngunit bago niya paandarin ang sasakyan, biglang nag-ring ang cellphone niya.
It's Katya. "Yeah?"
"Girl, galing ako sa office mo pero wala ka na pala. Himala ah, ngayon ka lang umuwi ng maaga."
"Oo nga eh. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kaya nag-undertime muna ako ngayon."
"What? May sakit ka? Sige, sige... buti nasabi mo. Dadaan muna ako sa Mercury Drug."
Napakunot ng noo si Janelle habang nakatitig nang maigi sa binabaybay na highway. "W-what do you mean?"
"Papunta ako sa bahay mo! Nang pumunta kasi ako sa office mo, nakita ko 'tong malaking box. Sabi ng assistant mo, importante 'yan at nabanggit mo nga raw na iuuwi. Kaya heto, dala-dala ko na. Teka, sinong F?"
Oh, s**t! Ipinihit ni Janelle ang mukha sa backseat at nang hindi nakita ang kahon, napahawak siya sa kanyang noo habang nagmumura sa kanyang isipan. "S-so papunta ka na ngayon sa bahay ko?"
"Oo. Actually nandito na ako sa gate. Magdo-door bell na!"
Oh, my God! "Wait, no!"
Panandaliang nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya na lalong nagpataas sa tensyon ni Janelle.
"Katya? Katya! What are you doing now?" Napahigpit ang kapit ni Janelle sa manibela at lalong binilisan ang pagpapatakbo sa kotse.
"Uy, Girl sorry ha. May binasa lang akong text. Ano ulit 'yong sinabi mo?"
"I'm... I'm not in the house. N-nasa byahe pa ako, pero don't worry kasi malapit na ako sa entrance ng subdivision." Pakiwari ni Janelle, siya ang tumatakbo. Dahil ang labis na pag-aalala'y nagdudulot sa kanya ngayon ng kakaibang pagkahingal.
"Okay. Sige. Wait kita dito sa labas."
Ilang minuto ang dumaan nang huminto ang kotse ni Janelle sa tapat ng kanyang gate. Agad siyang bumaba at patakbong nilapitan si Katya. "H-hey... Sorry kung ikaw pa ang nagdala ng box," aniya habang kinukuha sa mga braso ng kaibigan ang dala nito.
"Ikaw naman, okay lang noh! Saka balak ko talagang bumisita. Teka namumutla ka ha. S'an ka pa ba dumaan? Sa clinic? If you want, sasamahan muna kita ngayong gabi rito."
"No! I... I mean I'm okay, Katya. Tulog lang siguro ang kailangan ko. Bukas, okay na rin ako," ani Janelle na pinipilit ngumiti nang maayos sa kaibigan.
"O-okay..." Nagkibit-balikat si Katya at tumango. "Hindi na kita kukulitin. Baka lalo ka pang magkasakit. O, sige. I'll go ahead na ha." Humalik si Katya sa magkabilang pisngi ni Janelle at tumalikod na.
Janelle waved her hands as she sighed in relief. Ngunit muling naibaling ni Katya ang mukha sa kaibigan nang marinig ang pagbukas ng gate.
"Hi, Janelle... How's your day?"
Oh,no! Bakit siya lumabas dito? Janelle's hand was no longer waving. It's already shivering in coldness while suspended in the air.
"Oh. My. God." Nanigas si Katya sa kinatatayuan nang makita ang lalaking nagbukas ng gate. Ilang segundo pa'y natumba siya at nawalan na ng malay.