"Raffy, can you come over here? You're in the bar?" Matamlay na naupo si Flare sa sopa at minasahe ang sentido. "Look, I need a ride. I can't take a cab." Sandali siyang nanahimik upang pakinggan ang kausap. "Okay... Okay... I'll text to you the address, alright? I'll wait for you here... Thanks." Wala pang labinlimang minuto nang dumating si Raffy at pagbusina pa lang niya'y agad na lumabas si Flare mula sa gate. Palibhasa'y malapit lang sa subdivision na 'yon ang sikat na bar na madalas puntahan ng pinsan niya. "Hey..." Balisang bungad ni Flare nang buksan niya ang pinto ng kotse. Tumango si Raffy at nakakunot ang noo habang nakasilip sa malaking bahay na pinanggalingan ni Flare. "Akala ko isang linggo ka d'yan? Are you giving up on that woman?" "No." Ikinabit ni Flare ang seatbelt a

