"Good Morning Love" iminulat niya ang mga mata at nakita si Dane na nakangiti sa kanya, may nakahanda ng pagkain na nakalagay pa sa tray, may kasama pang cranberry juice dahil doon pinaglilihi ni callie ang baby nila ngayon. As usual spoiled nanaman sya, Araw araw binibigay ni Dane lahat ng gusto niya "Ang sarap naman ng umaga ko' Napangiti si Dane bago binuhat si Storm at inupo din sa tabi ni Callie. Agad naman nitong kinuha ang laruan at isinubo iyon "talagang masarap! kame ba naman makikita mo" "Oo naman, pahalik nga!" Akmang hahalik na si Callie kay Storm ng biglang pumagitna si Dane, dahilan para sya ang mahalikan nito. Napalabi tuloy si Callie at napangisi si Dane na tila inaasar pa ang anak. "Ikaw talaga inunahan mo pa" humalik sya kay storm pagkatapos ay umayos ng upo, bin

