"Sorry papa, sinabi ko na po ang totoo sa kanila," nakayuko na sabi ni Thalia kay Fred. Hindi maipaliwanag ni Fred ang labis na kasiyahan ng marinig ang salitang papa sa mismong bibig ng kanyang anak, na matagal na niyang gustong makita at mayakap. Inilayo ito sa kanya ni Shaira dahil sa maling akala nito na siyang naging puno't dulo ng lahat. Inakala nitong mistress niya si Diana Dela Torre. At dahil sa maling akala, ginawa ni Shaira ang nakakagimbal na mga aksyon na siyang naging dahilan para madawit si Fred sa naturang insidente. Pinalitan ni Shaira ang anak ni Diana ng patay na sanggol na siyang inakala ni Girlie na anak ni Shantal na patay na sanggol. Ngunit dahil sa kalituhan ni Shaira, imbes na ang anak ni Diana ang palitan ng patay na sanggol, aksidenteng ang anak ni Shantal ang

