Napahilot sa sariling sentido si Rebecca. Mula sa kanyang swivel chair tumayo siya at tinungo ang bintana ng kanyang opisina. Hinawi niya ang kurtina kung saan makikita ang naglalakihang building sa malawak na siyudad ng Maynila. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Muli, napasulyap siya sa kanyang wrist watch. Ilang oras nalang ay uwian na. She was thinking about Zards and her loving son, Lawrence. Batid niyang nalayo na ang loob ng anak sa sarili nitong ama. Napukaw ang pansin niya ng may kumatok sa pinto ng kanyang opisina. "Come in," ani Rebecca. Bumukas ang pintuan at iniluwa roon sina Vince at Lawrence. Bakas sa mukha ng kanyang anak ang labis na kasiyahan. Hindi iyon mapapantayan ng anumang yaman sa mundo. Lumapit sa kanya ang anak at buong-higpit na niyakap nito an

