Mas pinili ni Rebecca na manatili sa mansion kaysa tunghayan ang puntod ng kanyang anak, masakit pero kailangan niyang maging matatag alang-alang kay L.A. "Mom," pukaw ng anak niyang si Lawrence. Niyakap siya nito ng buong -higpit. Hindi ito sumama sa libing dahil ayaw daw nitong iwan ng nag-iisa ang ina. "Come here, baby." Niyakap ni Rebecca si L.A. Hinagkan naman siya ng anak sa kanyang pisngi. Alam niyang darating ang araw na maghihilom din ang sugat sa kanyang puso. Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto kung saan nakahanda na sana ang lahat ng mga gamit ng kanyang munting anghel. Ngunit, hindi sila pinalad. Binawi agad ng Dios sa kanila ang munti niyang anghel, sino ba siya para tumutol sa kalooban ng Dios? Ngumiti si Rebecca nang maramdaman ang munting kamay ni L.A. sa kanyang

