Nagising si Rebecca sa malakas na palahaw ni baby Eury. Napabalikwas siya ng bangon, ramdam niya ang munting braso na nakayakap sa kanya, si Thalia. Nakatulog pala sila nito kapwa. Damn it! Akala niya totoo na ang lahat. It was just a damn stupid dream. Dahan-dahan niyang inalis ang isang braso ni Thalia na nakayakap sa kanyang tiyan at inayos niya ang pagkakahiga nito. Nagmamadaling tumayo siya para lapitan ang umiiyak na si baby Eury. As usual, konting basa lang ng diaper nito ay umiiyak na. Ngayon niya lang na-realize na nakatulog pala siya sa paghihintay kay Lawrence. Oo nga pala, she need to confront her son. Ipinilig niya ang sariling ulo. Stupid dream! Pinalitan ni Rebecca ng diaper si baby Eury at saka kinarga sa kanyang braso at pinainom ng gatas. Tinungo niya ang bintana para s

