KABANATA XXIII Mabilis lumipas ang panahon at pumasok ang buwan ng marso. Pang-anim na buwan na rin ni Baby. Tatlong buwan na lang lalabas na siya sa mundong ito. Medyo excited na ako sa paglabas niya. Lagi kaming dumadalaw sa center para ipatingin siya sa doctor. Sabi naman ng doctor ay medyo humihigpit na ang kapit ng bata. Kailangan ko lang na ipahinga ang sarili ko. Habang ang relasyon namin ni Aaron ay mas lalong naging komportable. Nasanay na ako sa presensya niya, lalo na nang siya ang paglihian ko. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko, kung hindi ay kung ano-ano na ang naiisip ko. Medyo kilala rin kasi si James sa lugar na ito. Maraming babaeng nagkakandarapa kay Aaron sa pag-aakalang siya si James. Aaron din ang tawag nila sa kaniya gaya ni James. Kaya siguro ang akal

