KABANATA XVIII "Ma'am, may bisita po kayo sa labas." Napatingin ako kay Yaya na kakapasok lang sa silid ko para ipaalam sa akin ang bisita ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Nandito na pala siya. "Okay. Tell him to wait for me for a minute," agad na tugon ko. Nakangiti habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. Suot ang isang makapal na sweater at pantalon. Totally not my style but this was my only way to hide my tummy. Pagkatapos kong titigan ang sarili ko sa salamin ay naisipan ko na ring lumabas. Baka hindi ko mamalayang na-inlove na pala ako sa sarili ko dahil sa kakatitig ko dito. Baka makalimutan ko pang may bisita ako sa labas. Hindi ko sinasabing gusto kong lumabas ngayon araw kasama si Aaron pero parang ganu'n na nga. Pagbaba ko, gaya nang inaasahan ko, si Aaron ang u

