KABANATA XV Araw na ng mga puso. Araw rin kung kailan gaganapin ang Prom. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa ideyang iyon. Nakahanda na nga ang susuotin ko. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Mom sa kabila ng busy schedule niya ngunit kahapon lang ay dumating ang ball gown na susuotin ko. Kasama na doon ang mga mamahaling alahas na sa tingin ko ay hindi ko naman masusuot. Ayokong nakakaramdam ako ng alahas sa katawan ko. Siguro ay kung isa lang akong normal teenager ay baka nga ako pa ang pinaka-excited sa lahat. Ngunit hindi ako isa sa mga normal. Isa sa ako sa mga kabataang sa murang edad pa lang ay may dinadala nang mabigat na responsibilidad. Heto ako ngayon, sa halip na mag-ayos at pumasok ay nakahilata ako ngayon sa kama, walang planong pumasok. Bukod kasi sa mga walang katapusa

