KABANATA XII "Taste it," masayang sabi niya matapos ihain sa akin ang chicken pasta na ginawa niya. Siya lang ang gumawa. Sinubukan kong tulungan siya pero nagpumilit siya. Ayaw magpatulong. Kinuha ko ang tinidor para tikman ito. Ganu'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang matikman na ito. "How is it?" tanong niya. Umiling lang ako sa kaniya saka tumayo at nagtungo sa lababo bago niluwa ang kinain ko. "What happened?!" natataranta niyang tanong. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang likod ko. "G-Ganu'n ba kapangit ang lasa?" Nakangiwing tanong niya. Nagmugmog muna ako bago siya harapin. "I don't wanna lie, so yes, ang pangit ng lasa. Ang tapang ng lasa. Binudbod mo ata ng seasoning." Nagtungo ako sa water dispenser dala ang isang baso saka kumuha ng tubig na maiinom. Napakamo

