KABANATA IX Nasa malapit na park kami ngayon. Nakaupo sa isa sa mga bench na napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak. May mga paru-parung lumilipad sa ere. I can't deny it. Maganda ang lugar na ito. But what makes me feel uncomfortable ay tanging nakikita ko lang sa park na ito ay mga couple na naghaharutan. Iniisip ko lang na alam ba ng parents nila na dito pumupunta ang mga anak nila at nakikilandi. "Here." Inabot niya sa akin ang manggo flavor na ice cream. Habang siya ay Cookies 'n cream. Tila umasim ang panlasa ko sa ibinigay sa akin. Binuksan ko ito at tinikman. Hindi nga ako nagkamali. Iba ang lasa! Nakangiwi akong tumingin sa kaniya. "How is it?" May pagtataka sa mukha niyang nakatingin sa akin. "Why did you choose this one. Ang pangit ng lasa!" May halong inis sa tono

