KABANATA XLIII Kinakausap ako ng Doctor ngunit ni isang sagot ay wala siyang natanggap. Nasa isang ospital ako ngayon. Dito ako dinala ni Kirt. Pagkatapos ay iniwan na lang ako na tila ba walang nangyari. Wala sa sarili akong nakatingin sa kawalan hanggang bumukas ang pinto. Niluwa nu'n si Mommy na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Nasa likod naman niya si Dad. "Honey, how are you? Anong masakit?" Hindi ko sila sinagot. I am tired of everything. Parang gusto kong tapusin na lang ang lahat sa isang iglap. "Mrs. Selvestre, ilang oras nang ganyan ang anak niyo. Sa tingin ko ay kailangan muna natin siyang bigyan ng oras---" "Iwan mo muna kami," ma-awtoridad na ani Mom. Tango naman ang iginawad sa kanya ng Doctor bago kami iwan sa silid. "Ano ba ang nangyayari, Erika? Bakit may k

