Part 27

2518 Words
Dinala ako ni Sir Benj sa Jollibee para mag ice cream. Tahimik pa rin ako at walang sinasabi, pero si Sir Benj nakatingin lang siya sa'kin at pinagmamasdan. "Sure ka bang iiwan mo muna si Butchok doon sa taas?" tanong niya. "Ayoko sana pero ayokong makita sila mama at papa eh" "Hmmm... Sige, kainin mo na lang 'yang ice cream mo." utos niya. "Wala akong gana eh."   "Walang gana? Sige, susubuan kita." tumabi naman siya sa'kin at sinusubuan nga ako. Ayoko pa sana kaso pinipilit niya ako, napapangiti naman ako sa ginagawa niya kaya sumunod na lang ako. "Oh di'ba? Kailangan mo lang ng matamis sa loob ng katawan mo tapos ako naman mag pprovide ng sweetness sa labas ng katawan mo" ngumiti siya at patuloy siya sa ginagawa niya. Mabuti na lang talaga at nandito si Sir Benj. Maya maya, may tumawag naman kay Sir Benj at napansin kong nagbago 'yung reaction niya. "Uhm, wait lang ah? Sagutin ko lang 'to" tumayo siya at lumabas. Normally naman, hindi siya aalis sa tabi ko pero mukhang importante 'yun kaya umalis siya. Iniisip ko pa rin 'yung kapatid ko, sobra talaga akong naiistress. Mamaya pa lalabas 'yung final results niya at saka ko pa malalaman kung anong mangyayari. Kung ooperahan siya, siguradong malaking pera 'yung kailangan para mabayaran. Iniisip ko pa lang, nalulula na ako. Alam kong tutulungan ako ni Sir Benj at ni Sir Jack sa gastusin pero hangga't maari, ayoko sanang mainvolve ang pera sa pagitan namen. "Hey, anong iniisip mo diyan?" sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala uli si Sir Benj. "Ahh... Wala...." pero nagsisinungaling ako. Naiisip ko rin 'yung kapatid ko sa labas, hindi lang siguro isa 'yon baka marami pa. Sobrang nakakainis talaga! Sobra akong naiinis sa mga magulang ko!   "Oh, ice cream uli!" sinubuan na lang uli ako ni Sir Benj. "Salamat at nandito ka..." bulong ko. "Ano ba, hindi kita iiwan sa mga ganitong pagkakataon. Dito lang ako, pangako" sabi niya pa.   Tumingin muna ako sa paligid at nung napansin kong walang nakatingin, hinalikan ko siya sa pisngi. Dahan dahan siyang tumingin sa'kin na nakangiti.     "Magnanakaw ka ng halik ah!" iba 'yung ngiti niya. 'Yung ngiti ng kilig na kilig. "Salamat nga kasi." sagot ko.   "Aba, gusto ko sa lips din" "Tama na. Isa lang" sagot ko. "Ang daya ehh... Isa pa..." "Sino muna kausap mo kanina?" tanong ko na lang. "Ahhh... Wala 'yon, sa office lang." sagot niya. Mukhang hindi totoo sinasabi niya o baka ayaw niya lang talaga pag usapan 'yung tungkol doon kaya hinayaan ko na lang. "May tanong pala ako sa'yo" bigla kong sabi. "Yes?" "Hmmm... What if nalaman mong may kapatid ka sa labas? Anong gagawin mo?" "Edi papapasukin ko mamaya magkasakit siya sa labas eh" "Ehhhhhh!!! Hindi 'yon! Seryoso ako!" "Hehe, ang seryoso kasi masyado eh... Hmmm, wala, tatanggapin ko na lang siguro nandiyan na eh." "Ganon ganon lang?" "Bakit ba? Ayun ba 'yung sagutan niyo kanina sa taas?" "Uhm... Oo." "Well kung totoo ngang may kapatid ka sa labas, hayaan mo na lang. Nandiyan na eh, mag focus ka na lang kay Butchok katulad ng ginawa mo di'ba?" Mukhang tama naman si Sir Benj, may kapatid man ako sa labas o wala, galit pa rin ako sa mga magulang ko kaya wala ring mangyayari kung iisipin ko 'yon.   "Kung okay ka na sabihin mo lang, aakyat na tayo baka dumating na 'yung doctor. Di'ba ngayon sasabihin 'yung gagawin kay Butchok?" "Ayun nga iniisip ko ngayon ehh." "Magiging okay din ang lahat, kaya 'wag ka ng mag isip ng kung ano ano, ha?" umakbay na lang siya sa'kin at hinayaan kong ganon 'yung pwesto nameng dalawa. +++ Pag akyat namen, wala na si papa, tanging si mama na lang at nakikipagkwentuhan siya kay Butchok. "Kuya, saan kayo galing?" tanong ni Butchok sa'kin, napatingin lang si Mama sa'kin pero hindi ko siya pinansin. "Bumili lang kami ng ice cream. Eto binilhan ka rin namen" abot ni Sir Benj sa kanya. Lumapit naman si mama sa'kin at parang gusto niya akong makausap kaso iniwasan ko siya, pero napatingin sa'kin si Sir Benj at nag usap kami sa gilid. "Kausapin mo na mama mo. Darating din 'yung oras na kailangan niyo mag usap at sa tingin ko ngayon na 'yung oras. Hindi healthy kay Butchok na nakikita niyang magkaaway kayo ng mama mo" Tama naman si Sir Benj kaya nakipaglaro muna siya kay Butchok at nag usap naman kami ni mama sa labas.   "Hindi ako magsasalita, ikaw na magkwento ng lahat!" sabi ko sa kanya. Feeling ko ang sama sama kong anak pero galit talaga ako ngayon sa kanila eh. "Nalaman ko lang na may pamilya 'yung tatay mo pagkapanganak ko kay Butchok. Nahuli ko siyang may kasamang babae na buntis din! kitang kita ko kung paano sila maglandiang dalawa to think na kakapanganak ko lang sa anak namen." May galit din pala na nangagagaling kay mama at nararamdaman ko 'yon. "Tinanong ko naman siya pero hindi siya umamin. Nung nahuli ko uli, umamin na siya na matagal na nga sila at nauna pa 'yung babaeng 'yon kesa sa'kin, kesa sa'tin." Hindi pa rin ako nagsalita. "Ako nagpapalayas sa kanya dati kaya hindi siya umuuwi. Ako nagsabi na kaya ko na kayong palakihing dalawa! Sumunod naman siya at umalis kaya hindi na siya nagpapakita sa'tin. Iniwan niya nga lang sa'tin yung sasakyan at bahay." Gusto kong sumabat pero ayoko talaga siyang kausapin. "Mahal ko 'yung tatay mo kahit niloko niya ako, kaya nung sinabi niyang gusto na niyang maging ama sa inyo, pumayag ako." "Pero huli na! At saka nawawala ka na rin! Literal na nawawala, palagi kang wala sa bahay, wala na akong kasama, mabuti pa si manang nandoon at kasa kasama ni Butchok!" sumagot na ako sa kanya "Pagod na ako anak, hindi ko na kaya. Kung kaya ko lang sinasamahan na kita." "Pagod? Paano pa ako Ma. Nagtatrabaho na ako!" "Hindi mo kasi naiintindihan..." "Ano ba kasi 'yung hindi ko maintindihan?!" "May sakit ako anak! Cancer, stage 2 na at unti unti na ko nanghihina!"   Natahimik ako at nagulat! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, bigla akong naawa kay mama! Kung titignan nga siya para siyang pumayat, parang may malaking nagbago sa katawan niya.   "Nagpapagamot ako kaya hindi ako umuuwi. Alam kong galit ka sa'kin pero ayoko ng dagdagan pa 'yung pagod mo. Ayokong maging pabigat sa'yo." Umiiyak siya sa harapan ko at parang nawala bigla 'yung galit ko at napalitan ng awa. Yung nanay ko, may sakit at wala akong alam. "Patawad kung iniisip mo na wala akong kwentang nanay pero sana isipin mo na ayoko lang na maging pabigat sa'yo kaya ko ginawa 'yon." Yung instinct ko bilang anak, niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam pero may something sa pagyakapan namen na parang namiss ko, siguro eto 'yung yakap ng nanay. "Para ka namang sira mama eh! Hindi naman kasi tinatago 'yung ganyan!" medyo painis kong sabi.   "Alam ko...."   "Eh ano ng balita? Okay ka naman ba? Nanghihina ka ba?"       "Okay na ako anak, lalo na ngayong kinakausap mo na ako uli" Na touch ako kaya niyakap ko siya uli. ++++ Ang dami pa nameng pinag usapan ni mama, at pagkalabas ni Butchok dito, sasamahan ko naman siyang magpacheck up.   Umuwi naman na muna si Mama at naiwan kami ni Sir Benj doon. Since tulog naman si Butchok, nakahiga ako sa kanya habang pinaglalaruan niya 'yung buhok ko.     "Ang dami palang nangyayari tapos wala akong alam. Ang lakas pa ng loob ko magalit sa kanila." sabi ko. "Wala ka namang kasalanan, sigurado naman kung alam mong may ganon hindi ka magagalit sa kanila ng ganyan di'ba?"   "Siguro... Pero ang daming nasayang na oras" "Edi heto na 'yung oras para bumawi. Hindi biro ang cancer, Ethan. Kailangan ka ng mama mo ngayon." "Alam ko, kaya nga hindi ko muna sila iiwan." "Naiintindihan ko, basta ako, nandito lang ako sa tabi mo palagi ha?" bigla niya akong niyakap sa likod at hinalikan sa pisngi ko. "Salamat talaga at nandito ka" sabi ko pa. "Don't worry, hindi ako aalis" bulong niya pa. Sa ganitong panahon at si Sir Benj lang nasa tabi ko, mas lumalalim pa 'yung mas malalim kong pagtingin sa kanya. Kahit malabo pa kung anong meron sa'kin, parang wala na lang sa'kin 'yon.   Katulad ng sinabi ko, willing ako mag risk sa kung anong kahahantungan ng pinapakita ni Sir Benj ngayon. Pero ngayon, gusto ko munang mag focus sa kapatid ko at sa mama ko. Wala na rin muna akong paki sa pamilya ni papa sa labas. Mas importante 'yung nangyayari kay mama at Butchok. + Nakaidlip ako sa lap ni Sir Benj at ginigising niya ako kasi pumasok na si Doctora at eto na 'yung hinihintay nameng balita. "Ano pong mangyayari, Doc?" tanong ko. "Kailangan natin siyang operahan. Ayon sa nakita namen, masyado ng malaki 'yung nakabara at lumalaki pa. Kapag hindi natanggal, baka mas lalong mahirapan 'yung kapatid mo." Napahawak ako ng mahigpit kay Sir Benj, hindi makapagsalita at mabuti na lang siya na 'yung nagtanong ng gusto kong itanong. "Gaano naman po kalaki 'yung chance na magiging successful 'yung operation?" "To be honest, malaki naman 'yung percentage na magiging successful, 60-40. But we cannot disregard that 40%. Kailangan din na maki cooperate 'yung kapatid niyo para maging okay ang lahat"   Hindi pa rin ako makapagsalita. "So we have to stay in here hanggang maoperahan si Butchok?" tanong ni Sir Benj. "Not necessarily, we can discharge you tomorrow. Kailangan muna uminom ni Butchok ng medicine para mapaghandaan 'yung operation."   "Paano po 'yung gastos, Doc?" bigla kong natanong. Bago pa makasagot si Doctora, sumingit naman si Sir Benj. "Don't worry about the bills." "Pero I wanna know, magkano ba Doctora?" tanong ko. "Up to 500,000" Nakakapanlumo naman 'yung 200,000! Malaki masyado 'yon para sa operation tapos sasagutin lang ni Sir Benj. Lumabas na si Doctora at naiwan na uli kami sa loob. Tulog pa rin si Butchok. Naisip kong cover naman pala ng healthcard ni Butchok, 100,000 din 'yon, 'yung kalahati na lang poproblemahin ko. Kahit naman sasagutin ni Sir Benj 'to, hindi pa rin ako papayag. + Kinagabihan, umuwi na rin kami kaagad sa bahay para doon na lang makapagpahinga si Butchok, inadvice lang sa'min na 'wag ng magpapagod, uminom ng binigay na gamot at syempre, bawal ma stress. "Ohh... Dapat 'wag ka na masyadong magpapagod Butchok ah? Para hindi ka na bumalik sa hospital." paalala ni Sir Benj sa kanya pagpunta namen sa kwarto niya. "Hindi na po Kuya Pogi," Lumapit din ako kay Butchok at niyakap siya. "Kapag may masakit, sabihin mo na kaagad sa'kin ha?" "Masakit lang naman po 'yung nakatusok sa'kin pero wala naman na kaya wala na pong masakit"   Maya maya, pumasok naman si mama sa kwarto at dala dala na 'yung gamot ni Butchok. "Sige na, magpahinga ka na rin, Ethan. Ako na muna bahala sa kapatid mo." sabi ni mama. Humalik na ako kay Butchok at hinatid ko na muna si Sir Benj sa labas ng bahay pero nabigla kami sa biglang lakas ng ulan. "Nakakatamad ng umuwi at baka ma traffic pa ako, dito na lang muna ako matutulog" biglang sabi ni Sir Benj.   "Hala, andiyan lang sa tabi 'yung bahay ng mama mo, diyan ka na lang matulog!" sabi ko pa. "Alam ko, walang tao diyan ngayon kasi umalis sila eh."   "Ayaw mo lang eh!" "Sige, silipin mo!" utos niya, nung pag tingin ko nga, patay 'yung ilaw at wala 'yung sasakyan nila.   "See? Dito na lang ako matutulog para naman hindi na ako mapagod sa byahe. Papasok pa ako bukas oh.." "Oo na!" "Nice! Halika na dali,!" hinatak niya kaagad ako paakyat. "Bakit ba excited ka?" "Excited na akong makatabi ka eh"   Natuwa naman ako don kaya umakyat na kami kaagad. Naglinis lang kami sandali at nahiga na kami sa kama. Bigla naman siyang naghubad ng damit at tumabi sa'kin. "Bakit naman nag hubad ka?!" "Ehh, sanay akong nakahubad eh. At saka, okay lang 'yan! Since palagi naman na tayong ganito, sanayin mo na rin sarili mo!" bigla niya akong niyakap.   "Hala Sir Benj!"   "Nakahubad ako sa kama mo at nakayakap sa'yo tapos Sir Benj pa rin? Akala ko ba Benjamin na lang ako o honey? Pwede naman honey di'ba?" "Eeeeehhh.... Kasi...." "Oh, matulog ka na lang diyan honey kasi inaantok na rin ako" so ganon nga pwesto namen, nakahiga at nakayakap buong katawan niya sa'kin, naramdaman ko rin 'yung tumutusok sa gilid ko, naalala ko tuloy si Sir Jack nung nakitulog din dito sa kwarto ko. "Ethan, 'wag ka ng mag isip ng kung ano ano. Magiging okay din Mama mo at si Butchok, magdasal ka lang at magtiwala ha?" bulong niya sa'kin. "Ayun nga iniisip ko, magiging okay din sila." "Huwag mo masyadong damdamin. Kasi hindi ka magiging okay hangga't iniisip mo 'yan." "Alam ko naman..." "Andito lang ako, pwede mong ishare sa'kin 'yung sakit na nararamdaman mo"   Nasa kalagitnaan kami ng moment ng biglang may tumawag sa kanya at kaagad naman niyang sinagot. Sinabi niya lang, oo at oo at bye.     "Bakit sinagot mo 'yung tawag na 'yon sa harap ko?" tanong ko. "Bakit? Wala naman akong tinatago ah?" "Eh bakit nung nasa Jollibee tayo kanina, lumabas ka pa para sagutin?" "Hala, nagseselos ka ba? Wala lang 'yon honey." napahigpit uli siya ng yakap sa'kin. "Hindi ako nagseselos no!"   "Gusto kong magselos ka para naman sinusuyo kita. Ako lang nagseselos sa'tin eh"     "Bakit? Ano bang meron sa'tin?" nabigla ako sa tanong ko, hindi ko rin napreno bibig ko. Bigla siyang natahimik at tanging paghinga niya lang naririnig ko. "Sa tingin mo, ano ba tayo?" bulong niya, pero this time, hinawakan niya mukha ko at hinarap sa kanya. Tumagilid din ako para magkaharap na kaming dalawa. "Ewan ko. Ano ba tayo?" tanong ko.   "M.U?"   "Bakit? Mutual ba feelings natin sa isa't isa?" "Bakit hindi ba?"   "Ano ba nararamdaman mo sa'kin?" tanong ko pa. "Something special. Nasabi ko naman na sa'yo lahat eh, ayon pa rin sasabihin ko. I think I like you and I wanna see you everyday. Nagseselos pa ako kay Zachary. Gusto ko akin ka lang. The thought of you with somebody else kills me inside." Ang genuine talaga ni Sir Benj lalo na kapag ganito 'yung topic nameng dalawa. "Ganyan din ba nararamdaman mo sa'kin?" pahabol pa niya.   Umoo lang ako. "So... M.U?" tanong niya sabay ngiti. "Bago ko sagutin, kailangan ko muna malaman.... Paano 'yan? Hindi ka na straight once na pumatol ka na sa lalaki?" medyo ang awkward ng tanong ko pero natawa lang siya.   "I think I'm still straight. I'm just "not straight" when it comes to you" paliwanag niya. Magulo pero umoo na lang din ako sa kanya.     "M.U na nga?" pangungulit niya. "Sige..."   "Mag. Un?" "Haha! Loko"   "We're exclusively dating, dapat bawal ka na makipagkita sa iba ng hindi ko alam. Kailangan alam ko na lahat ng gagawin mo."   "Parang tayo? Pero hindi? Ganon ba?" "I just don't want to rush things. I like you, you like me, there's the connection and I want to seal it with you know.... This M.U thing" Inaakit ako ni Sir Benj at sobra akong naakit sa kanya. Gusto ko 'to. Nung una, fake boyfriend lang, pero naglevel na kami sa M.U!   "Okay" sabi ko. "Okay." "Okay uli" "Edi mas okay" niyakap niya ako uli at dapat hahalikan pero pinigilan ko siya.   "Bawal muna 'yan!" sabi ko. "Eh, MU naman na tayo!"   "Nayayakap mo na nga ako tapos gusto mo pa ng halik? Sa susunod na 'yan" "Haha maglalasing lasingan na lang pala ako uli para mahalikan kita" sabi niya pa at niyakap na lang niya ako uli hanggang sa makatulog kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD