Part 6

1708 Words
Halos mamatay ako, hindi naman siguro literal pero kabadong kabado ako. Ay shet, nagtatype siya. Shet. Baka ang sabihin niya. "You're fired" o kaya, "seriously?" fvck. Kasalanan 'to ng kalandian ko eh! Typing.... Typing.... Jusko, ang tagal naman mag type netong lalaking 'to! " Goodnight" ....  .... Ayun na 'yon? Goodnight with emoji? Ano ba 'yon?! Bakit nawala yung kaba ko at napalitan ng kilig?! Shet. Ang sarap sa feeling ng ma goodnightzoned ka! Tinantanan ko na lang yung phone ko mamaya kung ano pa yung masabi ko kay Sir Jack pero shet, bakit hindi man lang siya nagalit? Pinagpaliban ko na lang muna lahat ng naiisip ko at saka nagpahinga. +++ Hindi ko alam kung paano ako papasok ngayon. Pangalawang linggo ko pa lang sa trabaho pero may dalawang lalaki na kaagad na nalilink saken. Ewan ko, siguro eto ang epekto ng taong iniwan at nasaktan. May darating sa'yo na mas yummy at dalawa pa! Pagka dating ko sa parking lot, sumilip muna ako baka mamaya makita ko si Sir Benj o kaya si Sir Jack. Mukhang wala naman sila kaya nagmadali akong pumasok at nag elevator.   Shhhh... Buti na lang maraming tao at kung magkakasabay man kami, siguradong hindi ako maiilang. Pagkaakyat ko ng office, may nakita akong note sa computer ko. "In my office @ 10AM. - Sir Benj" Hindi ko alam kung may nakakita na ng note na 'yon pero bakit hindi na lang kaya niya ako tinext? Pwede naman 'yon? So nagsimula na uli ako sa work. Process ng papers, ng due dates at konting browse ng articles and news. Biglang may nag pop up na message sa computer ko. "Chismis guys!!!!" "Ano 'yon?" Parang groupchat na nakalink sameng lahat. Sunod sunod yung messages ng 'ano 'yon?' "Single na uli si Sir. Benj!" "Ano namang bago 'don?" "Pang 7 na niya yan ngayong taon pa lang at nasa kalahati pa lang tayo ng taon" "Ganun talaga, mayaman at gwapo. Pero mabait naman 'yan si Sir Benj, galante pa." "May bago naman ba?" "Apparently, nahuli daw siya sa Starbucks nung sabado eh. Ano naman ginagawa niya ng weekends, right?" "Ibig sabihin nasa office rin or nearby lang?" "I thought hindi siya nakikipag date sa katrabaho niya?" "Well, nagbago na siya" Parang mas masaya pa basahin yung chismis ng mga 'to. Pero kung sisilipin mo silang lahat, para silang busy sa pagtatrabaho. Sumenyas naman si Laura saken. "Nababasa mo?" sabi niya. "Oo, issue hehe" Akala ko naman nawala na yung chismisan sa school, na eextend din pala 'yon kapag nagtatrabaho ka na. + 10AM, unang break. Pumunta ako kaagad sa office ni Sir Benj at asusual, ang gwapo gwapo niya sa suot niyang long sleeve at neck tie. Samahan mo pa ng hapit na pantalon niya na lumalabas yung korte ng pwet niya. "Ethan!" "Sir!" "Bakit ka nandito?" Hala siya. "Naglagay po kayo ng note, sabi niyo pumunta ako sainyo ng 10AM" "Sinabi ko ba 'yon? Ay oo! About pala kay Jack. Apparently, magkakilala kayong dalawa." "Hindi naman, dito lang din po kami nagkakilala" "I see... Binigay ko pala number mo sakanya if you don't mind" Shet, nauna yung favor bago mag mind. "Not at all sir" "I see, I think you like him" "What?!" "Masyadong defensive. Nagbibiro lang naman ako" "Ayun lang po ba ang pakay niyo? Kakain po kasi ako"sabi ko na lang. Medyo nakakainis din mag biro 'tong lalaking 'to eh. "Ohh..." inabutan niya ako ng pagkain na nakalagay sa styro, tocino at kanin yung nakalagay 'don. "Para sa akin po ba yan?" "That's the stupidiest question I've ever heard. Ofcourse sa'yo yan!" Calculating the ugali of Mr. Sir Suplado..... Error not found. "Hurry, matatapos na yung 15min break mo" 'Di ko alam kung kukunin ko pa yung pagkain pero wala naman akong nagawa. Libre na rin 'to. Bago pa ako makalabas, tinawag niya ako uli. "Pumunta ka uli rito ng lunch break mo. May pag uusapan tayo" aniya, at bago ako makasagot, sinagot niya yung cellphone niya sabay talikod saken. Hindi ko talaga mawari pag iisip ng taong 'to pero at the same time, natutuwa ako kasi binigyan niya ako ng pagkain. ++ Ayoko na sanang maalala yung nakaraan kaso binigyan ako ni Laura ng mainit na chocolate na may stick O. Palagi kasing binibigay saken ni Bill 'to noon. "Ayaw mo, Ethan?" tanong ni Laura. "Ahh... Hindi... May naalala lang ako"   "Oh. Boyfriend? Hehe" "Nope, ex." "Ahh. Sorry Ethan. Akina, kunin ko na" "Hindi, ayos lang talaga hehe." "Sure ka? Pero teka, bakit ka pala binigyan ni Sir Benj ng pagkain? Ang daya." "Hehe utang lang niya. May pinagawa kasi siya saken" Ang hirap naman itago yung relasyon namen ni Sir Benj. Ay, yung pekeng relasyon pala. Maya maya, biglang may pumasok sa department namen at sa tindig at lakad at korte pa lang, alam ko na kung sino siya. Si Sir Jack.   Wala siyang sabi sabi, pinagtinginan lang siya nung mga babae sa department pati na rin si Laura pero dumiretso siya sa office ni Sir Benj. May nag pop up na naman na message sa group chat. "Mukhang lagot si Sir Benj ha!" "Haha bihira ko lang makita si Sir Jack sa department." "Well, baka naman sumisipsip haha alam mo na, tropa tropa haha" "Hindi naman sila tropa! Remember yung issue nila ng agawan sa isang babae?" "Shet, issue lang yun be, malay mo naman hindi totoo! At kung sino man yung babaeng 'yon, ang ganda nun. Sir Benjamin na, Sir Jack pa." Iba rin yung chismisan nilang lahat eh, naintriga rin tuloy ako sa nabasa ko tungkol doon. Totoo kayang naging magkaribal si Sir Jack at Sir Benj sa isang babae? Matagal si Sir Jack sa loob ng office ni Sir Benj hanggang sa inabot sila ng lunch break. Paalis na sana ako ng tawagin ako ni Sir Benj sa opisina niya. "Lagot ka na naman, Ethan!" asar saken ng mga katrabaho ko. Pero hindi ko pinansin at dumiretso ako doon. Nakita ko si Sir Jack na nakaupo habang nakatingin sa may bintana samantalang si Sir Benj naman eh nakatayo habang nakatingin din sa bintana. "Uy, textmate!" bati ni Sir Jack nung nakita niya ako. Shet, textmate talaga? Naalala ko na naman tuloy yung I love you na na wrong send ko. Nakakainis. "Let's go, Ethan. Aalis tayo" sabi naman ni Sir Benj. "Hala, saan tayo pupunta sir?" "Bibili ng damit mo. Tara na, isang oras lang breaktime. Don't worry, my treat!" "Sa tagal nating magkaibigan, never mo pa akong tinreat" singit naman ni Sir Jack. Fvck, dalawang gwapo at yummy na boss ko, nag uusap! Iba tuloy tumatakbo sa imahinasyon ko. Nakahubad sila pareho tapos inaakit ako. Pero dali dali kong inalis sa isipan ko 'yon. "You literally have a company, Zachary, and also, I work for you!" "That's not an excuse. I'm still your friend" "Yeah. Pero mas ma pera ka!"   Parang kahit walang kwenta pag usapan nilang dalawa, okay lang kasi dalang dala sila ng kagwapuhan nila. Yung boses nila na pumapasok sa tenga ko at tagos sa buong pagkatao ko! "Ethan! Let's go!" sabi pa ni Sir Benj. Nagpaalam na ako kay Sir Jack pero bago ako makalabas, kinindatan niya ako sabay talikod.   At katulad kagabi, I think I'm gonna die. +++ White, pink, lavander, blue longsleeves binili namen pati na rin slacks at shoes. Lahat bago at lahat branded.   "Kailangan ba talaga may tatak?" "Company naman may sagot niya so okay lang" Kumakain kami ngayon ni Sir Benj sa Mozu, malapit lang sa office 'yon. "Sir Benj, matagal na kayo magkakilala ni Sir Jack?" "Hmm.. Una, chismoso ka. Pangalawa, oo yung sagot sa tanong mo" Natahimik ako sa sinabi niya. Nakakainis, ang lakas mambara ng taong 'to.   "Magkatext kayo kagabi?" bigla namang tanong ni Sir Benj. "Hmmm.. Una, chismoso ka. Pangalawa, oo ang sagot ko sa tanong mo" sagot ko naman. Gumanti lang ako sa sinabi niya. "Well, sa tingin ko close na tayo kasi nagaganyan mo na ako" "Hindi pa ba? Diba I'm your fake boyfriend?" sabi ko sabay pa beautiful eyes sakanya. Akala ko maiinis siya pero nagulat ako ng ngumiti siya saken. "You have a beautiful eyes though," Fvck. Nagbibiro lang naman ako sakanya pero pinapakilig na niya ako. "Hmm... Anong pinag usapan niyo ni Zachary sa text? And don't answer me with the same answer you've just said!" Bakit naman biglang naging interesado sa pagiging textmate ko kay Sir Jack 'tong isang 'to. "Wala lang... Nagpasalamat lang siya saken" "Wala ng iba? Patingin ng cellphone mo" "Cellphone? That's private!" "Boyfriend mo ko diba?" Kumalma ka Ethan. Hindi totoo 'yan. Peke lang at mukhang sinasadya niya na mainlove ako para mas effective yung pagpapanggap namen. "Honey, give me your phone!" sabi pa niya. Honey pa! Feeling ko nag init ako at namumula ngayon. "Nasa office yung phone ko!" "Okay, patingin na lang ako mamaya" "Ayoko" "Wala kang magagawa" "Akala mo lang" "Akala mo lang din na akala mo na may magagawa ka" Bakit ang cute niya makipagtalo ngayon? Bakit? Parang ang sarap sunggaban ng halik 'tong si Sir Jack.   "Bilisan mo na lang kumain at aakyat na tayo. Late na tayo ng 30 mins so bilisan mo" Pagcheck ko ng oras, oo nga. Lagpas alauna na! Ang bilis talaga ng oras kapag nageenjoy ka. Kahit naman suplado 'tong isang 'to eh, sobra akong nag enjoy sa ginawa namen. ++ Parang ang dami kong gustong ikwento kay Jaycee kaya nagtext ako sakanya na magkita kami after ng shift ko. Katabi ko lang yung phone ko sa table ko ng biglang may nagtext, akala ko tuloy si Jaycee pero nagulat ako ng makita ko yung pangalan ni Sir Jack! "Hi textmate " Okay! May emoji na naman yung text niya. Sumilip muna ako sa paligid bago ako nagreply. Hindi ko naman namalayan na nakangiti ako. "Hi " "Kumusta yung lakad niyo ni Llander?" Ang kulit lang ng tawag nila sa isa't isa, yung second names nila. "Okay naman, nakabili na kami ng damit" "Magpasalamat ka saken!" "Hala! Ikaw ba bumili? " "Technically, pera ng company so, ako nga nagpabili haha!" "Hehe loko." "Loko loko nga ako eh, kaya siguro ako iniiwan " HUMUGOT SIYA!!!!AT TAKE NOTE, SI SIR JACK 'TONG KATEXT KO!! "Hala, humuhugot" "Hehe joke lang!"   Okay, nawalan ako ng irereply, ano bang maganda? Kumain ka na? Ano fave music mo? Jusko! Gusto ko pa siya katext pero hindi ko mareplyan yung text niya! "Anong ginagawa mo?" agad naman siyang nagreply. Pigil na pigil yung ngiti ko sa office dahil kay Sir Jack! "Nagtatrabaho. Ikaw?" "Nagtatrabaho ka habang nagtetext? Gusto mo ng memo?'" "Except ata kapag boss yung katext mo" "Haha. Sabagay, well, I hope you're busog na" Kinukumusta pa niya ako!!! Nakakainis talaga sa kilig!! Pero bigla namang nagtext si Sir Benj saken. "Ethan" "Po?" "I can see you through my window na nagtetext ka lang! Baka gusto mo ng memo? Magtrabaho ka diyan. 'Wag kang lumandi at taken ka pansamantala!" Tumingin ako sa office ni sir Benj at nakasilip nga siya pero nawala na rin siya nung tumingin ako doon. Nagpaalam muna ako kay Sir Jack at bumalik na ako sa trabaho ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD