Nung makita ko si Sophie para akong nagising. Ang layo ko kumpara sa kanya. Kahit siguro naging gwapo ako eh malayo pa rin yung agwat namen ni Sophie. Ganon siya kaganda. Gusto ko sana siya makausap kaso ano naman sasabihin ko? At bakit siya nandito? Makikipagkita kaya siya kay Sir Benj? Buti na lang pala at wala si Sir Benj dito. Pagbalik ko sa office, dumiretso ako sa table ko at kahit anong gawin ko, hindi ako makapag focus. ++ Pumunta naman si Sir Jack sa office bago ako makapag out. "Binigay mo kay Sophie yung report mo? Anong sabi niya sa'yo?" bigla niyang sabi. "Po? Wala naman.... Hindi ko naman alam na siya 'yon" "I see. Hindi ko rin naman sinabi yung tungkol sainyo ni Benjamin." "Ehh.... Alam na ba niya?" tanong ko. "I don't know. It's not my relationship to brag abou

