Pinapapunta ako ni Sir Benj sa office niya at agad niya akong niyakap nung nakita niya ako. "Bakit namamaga mata mo? Umiyak ka ba?" "Ha? Hindi. Antok lang ako" "Bakit? Puyat ka ba? Ikaw ah. Ano pang ginawa mo kagabi?" Gusto ko siyang sumbatan kaso hindi ko magawa. "Oh... Kumain ka na ba? Sabayan mo na ako" alok niya. "Ahh, kumain na ako sa bahay eh. Tsaka ang dami ko pang gagawin." "Ganon ba? Hmmm.... Sige, dinner na lang mamaya? Promise, hindi ako mag OOT tonight. Tayong dalawa lang, at walang iba. Okay ba?" Siguro mamaya ko na lang siya kakausapin tungkol kay Sophie. Pumayag ako kaagad at bumalik na ako sa table ko. +++ Sabay na kami ni Sir Benj lumabas at napapansin ko na naman na pinagbubulungan kami ng mga kaofficemates ko, iba pala talaga kapag ikaw ang chinichismis.

