Jake POV “JR! Sinabi ko na sayong mag-ingat ka sa pagsasalita. Ayan narinig ka tuloy ng baby ko.” inis na wika ni lola Cecilia. JR ang tawag sa akin ni lola, JR as in junior dahil pareho kami ng pangalan ni dad. “Halika nga dito baby.” tawag nito sa batang may katabaan. Labas sa ilong na napatawa ako. Hinabol ko ng tingin ang batang lalaki at pinagmasdan ito habang naglalakad palapit kay lola. Ang tataba ng mga binti. “Baby pa ba yan? Ang laki laki na nyan.” puna ko. Inirapan lang ako ni lola Cecilia pagkuway ngumiti ng ubod ng tamis sa batang lalaki. “Close mo ears mo Jacob, merun ditong hindi marunong magpreno ng bibig.” ani lola at binato ako ng matalim na tingin. Ngayon ay nakaupo na sa kandungan nya ang bata. “Narinig ko po yung sinabi niya.” wika ng bata. “Wag mong intind

