Mira POV Isang araw bago ang team building ay dumating ang mga magulang ni Jake sa bahay ni lola Cecilia. Kagabi lang binanggit ni Jake ang tungkol kay Jacob kaya nagkukumahog ang mga ito na lumuwas ng probinsya para makita ang kanilang apo. Halatang halata sa mga ito na ang kasabikan na makita si Jacob. Mas lalo pa ang mga itong hindi magkandatuto nang makita kung gaano kataba at kacute ang apo. Wala rin kasing kaduda duda na mag-ama sila ni Jake dahil para silang pinagbiyak na bunga. “Napakaganda naman pala ng nobya mo.” magiliw na sabi ni Maritha Santillanes ang ina Jake. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang buong puso nitong pagtanggap sa akin, ganun din ang ama nitong si Jake Santillanes Sr. Nagtungo kami sa restaurant ni Lindsay ng gabing yun upang doon kaming lahat magdinner.

