Mira POV 6 years later… Pangalawang doorbell ko na nang may magbukas ng pinto. Nakangiti agad sa akin si ate Ester ng buksan niya ang pintuan. “Nagkakatuwaan ang maglola kaya di ko agad nabuksan ang pintuan. Halika dali” bungad nito sa akin na di maitago ang excitement sa boses nito. Ginantihan ko siya ng ngiti at pumasok na ako sa loob. Ano na naman kaya ang ginawa ni Jacob sa loob? Tuwing darating ako dito upang sunduin ang aking 5 taong gulang na anak ay may kung anong na namang pinagkakatuwaan sila ni lola Cecilia, ang amo ni ate Ester. Nakilala ko si lola Cecilia sa hospital sa Lucena nang minsang magkasakit ito at nagtatrabaho naman ako bilang janitress. 5 buwang buntis pa lang ako noon. Napakabait ng matanda. Kasundo niya lahat ang mga nurses at kahit janitress lang ako ay nap

