Chapter 10 – Employee’s Night Out

2477 Words
“This week is really tiring. I think we need to chill out guys,” pag-aaya ni Manolo sa grupo namin habang kumakain kami ngayon ng tanghalian sa canteen. “Right! Lumabas naman tayo sa Sabado. Isama rin natin iyong mga taga-Praxis Engineering Firm,” suhestiyon ni Rina, matamang minamasdan niya ang reaksyon naming lahat tungkol sa ideya niya. “Oo ba, i-invite rin natin si President Terrence!” Kinikilig pa si Ethel habang sinasabi ito sa harap naming lahat. “Sasama kaya ‘yon? Baka hindi siya payagan ni Madam Cher?” pagtatanong naman ni Adrian. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. I really don't think that it will be a good idea! Mayamaya pa ay biglang napadaan si Marco sa harapan namin. Tinawag siya ni Manolo. “Marco are you free on Saturday? Sama ka, mag-Startle Bar tayo?” Manolo said while glancing at Marco's direction. Napalingon si Marco sa kinauupuan ko bago siya sumagot. I gave him my evasive look. Agad din akong nagbaba ng tingin. “Oo pwede ako no’n, text nyo na lang ako kung anong oras.” “Sige bro.” That does it! Sa tinagal-tagal din ng ginagawa kong pag-iwas kay Marco mukhang mababalewala rin ang lahat ng effort ko sa darating na Sabado. Kapag hindi naman kasi ako sumama ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga staff ko sa departmento namin? Iiwas na lang siguro ako sa kanya sa bar, doon na lang ako sasama sa mga staff ko. Saka madami naman kaming sasama sa Saturday night out na iyon, magagawa ko naman sigurong makaiwas kay Marco. While I was in my condo, around 10 pm, I received a call from Gwen. “Bes I miss you na!” “Ako rin Bes nami-miss na kita kailan kaya tayo ulit makakagala?” “Oo nga e, sobrang busy mo na kasi riyan sa Cher Hotel 2 Project n’yo. By the way nag-aaya nga pala sina Mike na mag-Singapore sa long weekend sa August 30.” “Singapore! Agad-agad? May ticket na tayo?” “Oo may isa tayong bigating kabarkada na nag-sponsor ng ticket nating lahat.” “Really? Sino naman 'yon? Si Jett ba ang grocery store tycoon?” “Hindi 'no, nag-iipon iyon para sa future nila ni Kirsten.” “E sino naman iyon? Imposible namang si Patrick kuripot pa rin iyon hanggang ngayon.” “Hindi rin si Patrick, sino ba iyong isa sa mga kabarkada nating big shot na ngayon?” “Ikaw ba iyon Bes? Ang nag-i-isang heredera ng mga gasoline station. Ikaw na!” “Hindi rin ako Bes.” “E sino ba iyong galante na iyon Bes?” “Si Marco!” Hindi ako nakaimik pagkatapos banggitin ni Gwen ang pangalan niya. “Pambawi raw niya sa atin sa matagal na panahon na hindi niya tayo nakakasama.” “Guilty iyon e kaya iyon ganyan.” “Bes hanggang ngayon talaga galit ka pa rin sa kanya.” Napatikhim ako. “Oo Bes, hindi ko pa rin siya kayang patawarin hanggang ngayon.” “Bes ang tagal n’yo ng magkasama sa trabaho, hanggang ngayon ba wala pa ring chance na nakapag-usap man lang kayong dalawa tungkol sa nangyari sa inyo noon? Para may closure na kayo,” seryosong saad ng best friend ko. “Walang gano’ng chance Gwen, kasi ako na iyong umiiwas na magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap kaming dalawa tungkol sa nangyari sa amin noon.” “Hay naku Bea! Alam mo ba na nahihirapan na rin iyong tao, gustong-gusto na niyang lumabas kasama tayong lahat pero nakwento niya nga kina Mike na halatang umiiwas ka sa kanya kapag nagkikita kayo sa Cher Hotel. Kaya ayon sila-sila na lang nina Jett, Mike at Patrick ang laging lumalabas nang hindi pinapaalam satin. Ayaw nilang isama kami nina Kirsten at Charmaine kasi baka raw sumama ang loob mo oras na malaman mo ang tungkol doon.” “Hindi na lang siguro ako sasama sa Singapore trip natin. Mag-eenjoy naman kayo roon kahit wala ako.” “Ano ka ba Bes? Hanggang kailan mo ba iiwasan si Marco?” medyo napapalakas na ang boses ni Gwen. “Hangga't kaya ko, sa Sabado nga kasama siya sa Saturday night out namin ng mga ka-office mate ko. Iiwas na lang din siguro ako sa kanya.” “Basta Bea pag-isipan mo rin iyong tungkol sa Singapore trip natin.” “Hindi ko na kailangang pag-isipan pa yan Bes kasi hindi talaga ako sasama!” Sana naman hindi sumama ang loob ni Gwen sa akin dahil sa mga nasabi ko sa kanya kanina, hindi ko talaga kayang makipag-usap pa kay Marco. Pagdating ng araw ng Sabado pagkatapos naming mag-hapunan nina Rina sa Fish & Co. ay tumuloy muna kami sa 7-11 kung saan ang meeting place no’ng iba pa naming kasama papuntang Startle Bar. “Hay naku imbyerna! Si Manolo raw susunod na lang sa Startle Bar dapat pa naman ay roon tayo sasakay sa kotse niya. Kaya nga hindi ko na dinala ‘yong kotse ko,” ang nag-aalburotong reklamo ni Rina. “As usual Ma'am Rina late na naman si Sir Manolo, mag taxi na lang po tayo,” sabi ng staff niyang si Ethel. “No, tatawagan ko si Architect Marco magpasundo na lang tayo sa kanya, ang alam ko ay malapit lang dito iyong condo no’n, para tatlong sasakyan tayo. Si Diether daw on the way na pinapunta ko kasi siya rito, kasi nga hindi pwede 'yung ASV niyang si Manolo. Si Zanjoe rin papunta na rito, isa siya sa naka-assign upang magpi-pick up sa 'tin. Iyong ibang taga Engineering Department didiretso na raw sila ng punta roon sa bar,” sagot ni Rina. Kung alam ko lang na male-late si Manolo sana dinala ko na lang iyong kotse ko, baka mamaya niyan ay sa sasakyan pa ni Marco ako mapasakay ng di oras. Hindi rin kasi nakasama si Millet ngayon kaya naisipan ko na sumabay na lang kina Rina sa pagpunta. Bandang alas otso ng gabi ay dumating na ang sasakyan ni Diether na taga-Engineering Department. “Diether maaasahan ka talaga sa lahat ng oras hindi katulad ni Manolo na pabago-bago ng plano,” bati sa kanya ni Rina. “Buti na lang Ma'am Rina at hindi pa ako nakakaalis ng bahay no’ng tumawag po kayo. Alam ninyo naman si Sir Manolo baka busy sa mga chicks niya,” biro pa ni Diether. “Hintayin lang natin si Architect Marco, on the way na rin daw siya. Si Zanjoe rin malapit na raw.” Bigla akong kinabahan pagkabanggit ni Rina ng pangalan ni Marco. Kung mamalasin nga naman ang araw mo! Makaraan ang labinlimang minuto ay may pumaradang asul na Porsche car sa harap ng 7-11 store. Napatiling bigla si Kate, isang staff ng Marketing Department. “That is Architect Marco's car. Iyong Porsche,” ang paninigurado ni Kate na halatang kinikilig. “Talaga, andito na pala si Architect Marco. Tara labas na tayo guys,” pag-aaya ni Ethel. Bumaba si Marco mula sa driver's seat ng kanyang sasakyan. He was wearing a red Lacoste polo shirt that he paired with a black jeans. “He is so hot!” sambit ni Kate na parang kasing tamis ng red velvet cake ang paraan ng pagngiti dulot ng pagkakilig. “Mas bet ko pa rin si Sir Terrence, siya na yata iyong pinaka-gwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko,” pagkontra naman ni Ethel sa tinuran ni Kate habang bumubungisngis. “Sayang hindi natin kasama si Sir Terrence ngayon,” ang panghihinayang naman ni Rina. Tahimik lang akong nakikinig sa mga komento ng mga kasama ko. What more can I say? Gano’n talaga kalakas ang appeal ng dalawang ex boyfriend ko sa mga kababaihan. Except for me! I am so over them. Pleeaazzeee! Mabilis akong lumapit kay Diether upang dito makisabay ng sasakyan. Kailangang makaiwas ako agad dito kay Marco. “Rina, dito na kaming mga taga-Admin sa sasakyan ni Diether, sumunod na lang kayo sa 'min.” “Okay Bea, sasabay na kami kay Marco.” Habang sumasakay ako sa sasakyan ni Diether napatingin ako sa kinaroroonan ni Marco, kinakausap siya ngayon nina Kate at Ethel. Napalingon naman siya sa direksyon ko no’ng nagpapaalam na ako sa iba pa naming mga kasama. Mula sa bintana ng sasakyan natanaw ko ring sumakay na siya ng driver's seat ng kanyang kotse. Nagsipagsunudan na rin sina Rina at ang kanyang mga staff. Iyong iba naman ay sumakay sa sasakyan ng bagong dating na si Zanjoe na taga-Engineering Department. Pagkapasok pa lang namin sa loob ng bar, blue and white laser lights surrounded the whole venue. Matapang na amoy ng sigarilyo at alak ang nangingibabaw sa paligid. May natanaw na akong ilang clubbers na kasalukuyang nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. Dumiretso na kami ng lakad sa pina-reserve na lamesa para sa amin ni Manolo. Umorder agad ang mga staff ko ng mga cocktail drinks I ordered Martini. Katabi ko sa upuan si Trina-isa sa mga staff ko. Kasunod sa upuan namin si Diether na mukhang pinopormahan ang isang staff ko na si Pamela. Tumabi na rin sa amin ang iba pa naming mga kasama. Unti-unti na ring lumapit sa pwesto namin ang mga nakisakay sa sasakyan nina Marco at Zanjoe. “Umorder na ba kayo Bea?” tanong ni Rina sa amin habang akmang tatawagin ‘yong nagdaang waiter. “Oo, order na rin kayo,” sabi ko habang palinga-linga ako sa iba pang kasama namin. Magkakatabi sa katapat naming upuan sina Kate, Marco, Ethel, Adrian, Rina, Eloisa, Benjie, Zanjoe, Wilson at Jessica. Halatang kinikilig si Kate habang nag-uusap sila ni Marco. Nakita ko na naman ang caramelized smile nitong si Kate. After seeing them I diverted my attention to all my staff that were seating beside me. Buti na lang at sa kabilang side ng upuan nakapwesto itong si Marco, at least medyo makakaligtas ako na makausap siya. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay nagsipagdatingan na rin ang iba pa naming kasama. Apat na lamesa ang pina-reserve ni Manolo para sa aming lahat, may mga inimbitahan din siya na mga taga-Praxis Engineering Firm kasama rin sila sa mga natanaw kong bagong dating. Plinano daw talaga ito ni Manolo para naman daw makapag-bonding ang team namin sa mga taga-Praxis, baka raw maiwasan ang pagkakaroon ng iringan ng dalawang grupo kung nagkakasama silang mag-chill out. “Sino-sino ba ang mga single rito?” pabirong tanong ni Adrian na taga-Marketing Deparment. Mukhang biglang naintriga si Rina kaya nagtanong ito,”bakit mo naman tinatanong aber?” “Siyempre dapat itanong muna Ma'am baka mamaya niyan kapag nasa dance floor na tayo at nagsasayawan may biglang sasapak na lang sa akin na mga boyfriend nila.” “Oh siya itaas daw ang kamay ng mga single,” Rina said while pointing her glance to all of us. Tinaas naman nina Kate, Ethel, Eloisa, Pamela at Farrah ang mga kamay nila. “Ang dami palang single sa mga kasama natin ah,” biro ni Adrian. Bigla-bigla namang nagtaas din ng kamay sina Diether, Gerald, Zanjoe at Benjie. Sabay biglang nagtawanan ang lahat. “Hoy Benjie bawal magpanggap na single ngayong gabi!” pang-aasar ni Ethel. “Single naman talaga ako Ethel ah, kahapon pa,” mukhang nasisiyahang tugon naman ni Benjie. “Ikaw Architect Marco hindi ka na ba single?” ang walang pasintabi na pagtatanong ni Rina. “Single.” Sabay biglang itinaas niya ang kanang kamay niya habang napapangiti. Marco's reply didn’t matter to me. So what if he is single? I just smirked after I heard it. “Architect, marami po kaming mga kasama na mga single ngayon dito malay n’yo ngayong gabi n’yo pala makikilala ang babaeng papakasalan n’yo,” biro sa kanya ng staff ko na si Kier. Na ginatungan ng isa ko pang staff na si Harold, “si Ma'am Bea ang alam ko single rin 'yan ngayon e!” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Harold huwag mo nga akong idamay ha, I'm single but I am not available,” angal ko bilang tugon sa sinabi nitong si Harold. Dahil sa sinabi ko ay napalingon sa aking gawi si Rina. “Hayaan mo na Harold 'yang ASV mo, magpapaka-old maid na yata iyan e. Sa dami ng manliligaw niyan sa Cher Hotel wala man lang nagustuhan kahit isa sa kanila.” Looks like Rina was intrigue over my lovelife. “Ano ba ang ideal man mo Ma'am Bea?” tanong ni Zanjoe. I gathered my thoughts before answering. So I am now in the hot seat! “Ang gusto ko lang ‘yong faithful,” I said calmly. I'm happy that they did not ask any follow up question after that. Napansin kong nagbaba ng tingin si Marco, tinamaan siguro roon sa sinabi ko. Bulls eye ba Marco? Puro biruan ang ginawa ng grupo namin. Kung sino-sino ang naiisipang ipag-match ni Rina sa mga kasama namin. Nagpaalam muna si Marco upang daluhan ang mga taga-Praxis na nasa kabilang lamesa. Sumunod din sa kanya ang iba pa naming kasamang taga-Cher Hotel. Buti na lang lumayo muna si Marco sa grupo namin, muntik pa kaming ipag-match ng staff kong si Harold kanina. “Sa wakas after 100 years dumating ka na Manolo!” Napalingon kami sa direksyon na tinatanaw ngayon ni Rina. Natatawa namang sumagot si Manolo sa kanya. “Pasensya na may sinundo pa kasi ako.” Sabay nguso niya sa bandang likuran niya. Natigalgal ako sa nakita kong mga bagong dating. “Si President Terrence!” kilig na kilig na sambit ni Ethel. “Oh di ba, sinundo ko pa kasi iyong mga big bosses,” halatang may yabang sa pagsasalita ni Manolo. Kinindatan niya pa si Rina. Nahagip agad ng mga mata ko si Terrence kasama ang Vice President ng Praxis na si Sir Alfredo De Guzman. Kasabay rin nilang dumating ang General Manager ng Cher Hotel na si Sir Robinson Fernandez kasama ang President ng Finance na si Sir Delfin Buenavista. “Guys behave muna andito pala ang mga big bosses,” pagpapayo ni Rina sa mga kasama namin sa lamesa. “Nakakakaba naman feeling ko tuloy nasa isang board meeting tayo ngayon,” pagbibiro ni Kate habang rumorolyo ang mga mata. “Sa tingin ko ay hindi rin naman sila magtatagal dito. Dumaan lang siguro kasi alam na nandito halos lahat ng kasali sa Cher Hotel 2 Project,” pagpansin naman ni Eloisa habang inaayos ang pagka-ponytail ng kanyang buhok. Bandang alas diyes nga ay nagpaalam na para umuwi ang mga big bosses ng Cher Hotel. Ang tanging naiwan na lang ay si Terrence at ang vice president ng Praxis na si Sir de Guzman. “Wala na ang mga big bosses. Party party na!” nae-excite na wika ni Gerald. Dali-dali ng nagsipag-sayawan sa gitna ng dancefloor ang mga kasama ko. Nakita ko rin si Kate at Ethel na hinihila ang mga braso ni Marco upang ayaing magsayaw. Sa huli napilit din nila si Marco. Sobrang nakaka-engganyo talagang sumayaw sa party music na pinapatugtog ng DJ. Inaya rin akong sumayaw ng mga kasama ko pero wala pa ako sa mood mamaya na lang siguro ininom ko muna ang sinerve na Margarita sa amin ng waiter. Tatlo na lang kaming naiwan sa table namin; ako, si Diether at si Pamela. Mukhang nagkakaigihan na iyong dalawa, kanina pa kasi sila panay sa pagngisi habang nag-uusap. Napalingon naman ako sa kabilang lamesa, patuloy ang pag-iinuman ng mga taga-Praxis. Black Label at Fundador ang mga iniinom nila. Mababanaag ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Terrence. Maingay na rin ang grupo nila na halatang halos puro mga lasing na. “President Terrence ang ganda ng mensahe mo no’ng engagement party mo,” bati sa kanya ni Manolo. “Ah iyon ba, medyo emosyonal nga ako noon. Naalala ko lang iyong mga pinagdaanan ko noon at iyong mga pinagdaanan ng relasyon namin ni Cher,” ang seryosong sagot sa kanya ni Terrence. “Lahat naman yata tayo, nakaranas ng masaktan noon, I guess it's what makes us stronger,” dugtong pa ng isang kasama nila sa inuman na napag-alaman kong nagngangalang Jake. Alam ko sa aking sarili na isa ako sa mga taong nakasakit sa kanya. Bigla na naman tuloy akong nakunsensya gaya ng naramdaman ko noong engagement party nilang dalawa ni Cher. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga. I think Terrence deserves my apology.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD