May naglagay ng mga bonfire sa kabuuan ng beach front kung saan maaaring tumambay ang mga guest sa tabi ng dalampasigan kung kanilang nanaisin. Bandang alas diyes ng gabi ay nagkaroon ng isang magarbong fireworks display. Nagliwanag ang kalangitan dala ng makukulay at iba't ibang hugis na mga pailaw. Pagkaraan noon ay nagsimula ng tumugtog ang live bands na naroroon sa ginawang entablado sa may beach side. Mukhang magkakaroon ng isang masayang beach party ngayong gabi. May mga waiter na rin na nagse-serve ng mga alak at beer. Parang gusto kong magpakalasing ngayon! Nag-desisyon kaming magkakabarkada na magsipagbihis muna kami ng aming mga suot na damit bago kami magsimulang mag-inuman. Kamuntik pa akong matapilok habang nagmamadali akong makabalik sa loob ng aming resort room. Halos hila

