Habol-hininga kami pareho matapos naming magawa ang isang bagay na hindi ko akalain na magagawa pa pala naming dalawa sa kabila ng komplikadong sitwasyon na mayroon kami ngayon. Hindi ko sukat akalain na magkakaroon kami ng sekswal na relasyon. Tinulungan niya akong isuot ang aking two-piece bikini na kinuha niya mula sa pagkakasabit nito sa towel rack. Pagkaraan ay ipinalupot naman niya ang sarong sa baywang ko. Isinuot din niya sa akin ang itim na jacket na ipinahiram niya sa akin kanina. Ang dami kong gustong itanong kay Marco sa mga oras na ito. Pagkatapos ng nangyari sa amin kanina, ano na bang klase ng relasyon ang mayroon kaming dalawa ngayon? Ngunit wala akong nakuhang sapat na lakas ng loob na isaboses ang saloobin ko. Minsan mas okay pa yata na wala ng label ang kung ano mang

