Pagkalabas ko ng double-doors ay mabilis na akong naglakad patungo sa direksyon ng parking lot. Lumingon ako sa likuran upang siguraduhin na hindi na ako sinundan pa ni Lee. Marami namang security guards ang nakakalat sa buong paligid ng hotel premises kaya't kung sakaling bumaba siya at abutan niya ako rito ay marami naman akong mahihingan ng tulong. Dala ng sobrang trauma na naranasan ko kanina ay nakaramdam ako ng matinding pagkapagod. Naupo ako sa gutter na malapit sa isang bakanteng slot ng carpark. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking shoulder bag sa pagbabakasakaling tawagan ako ni Marco. Pagkaraan ay iyinuko ko na ang ulo ko sa nakabaluktot kong tuhod habang tangan ko ang aking cellphone sa kaliwa kong kamay. Naramdaman ko na unti-unti ng nanginginig ang mga tuhod ko, nama

