“Ate ex mo si Marco?” Tango lang ang aking naging tugon sa tanong na iyon ni Jeniffer. My sobering thoughts haunted me again. In a flash, images of my ex-fiancé invaded my mind. “Pero bakit ka po nag-sorry sa kanya?” Mababakas ang labis na pag-aalala sa kasunod na itinanong sa akin ni Jeniffer. Humugot ako ng malalim ng buntong- hininga bago ko sila nagawang pasadahan ng tingin ng mga kasama namin gamit ang malalamlam kong mga mata. Buong atensyon nilang hinihintay ang magiging sagot ko sa tanong na iyon ni Jeniffer. “Ate niloko mo siya?” Nabigla ako sa pagtatanong ni Hazel na katabi ko rin ng upo sa picnic mat. Bahagyang natutuyo na ang mga luha sa aking mga mata, matapos ko iyong pahiran ng tissue na iniabot sa akin ni Jeniffer kanina. I gathered all my strength before I made a reply

