Natigalgal si Marco pagkarinig ng sinabi ko. Nakaawang ang kanyang bibig tila tinitimbang niyang mabuti ang mga salitang isasagot niya sa akin. Tinitigan ko nang mariin ang kanyang mga mata. Ilang segundo na ang nakakalipas ay wala pa akong narinig na sagot mula sa kanya. “No way! Hindi kayo pwedeng mag-usap privately!” Nagulat ako dahil sa narinig ko. Hindi lang dahil sa salitang sinabi ng nagsalitang iyon kung hindi sa kadahilanang hindi ko maatim na siya ang magsasabi noon sa akin-si Sarah! What on earth? Anong karapatan niyang makisabad sa usapan naming dalawa ni Marco? Hinarap ko siya gamit ang nanlilisik kong mga mata. I gasped for some air before I began to speak. “Pwede ba huwag ka ngang sumabad diyan! Sino ka ba sa palagay mo? Wala kang kinalaman sa pinag-uusapan namin. Therap

