Buong maghapon na iyon ng Martes, matapos naming makauwi galing ng Singapore ay wala na akong tigil sa pag-iyak dahil sa naging alitan namin ni Gwen Nagpunta ako sa isang simbahan pagsapit ng hapon. Dahil sa mga nasabi sa akin ni Gwen mas namulat ang isip ko sa katotohanang masama nga ang mga ginagawa ko. Kailangan kong humingi ng kapatawaran sa Diyos para sa mga naging kasalanan namin ni Terrence. Kailangan ko ring humiling na sana ay maging maayos ang lahat ng mga plano namin ni Terrence para sa aming relasyon. Kinabukasan ay nag-text sa akin si Terrence, gusto niya raw sanang sabay kaming kumain ng tanghalian pero hindi niya ako masusundo kasi may kailangan siyang puntahan na meeting sa opisina ng Praxis Engineering Firm. Sobrang nami-miss na raw niya ako kaya inaya niya akong pumunta

