“Ayan! Ang ganda-ganda mo na!” tili ni Jocelyn nang matapos lagyan ng hair shine ang buhok niya bilang finishing touch. Matapos ang mahigit na isang oras na pakikipagbuno ni Callea sa hair keratin treatment cream, sa steamer at sa maya’t mayang salitan ng blow dry at suklay pati na rin paggarutay sa buhok niya, sa wakas ay tapos na ang paghihirap niya. She had been dreading for hours. Sumakit na ang leeg at likod niya. At na-t*****e na rin ang utak niya kung ano ang kalalabasan ng itsura niya. “Thank you,” mahina lang niyang usal at hinarap si Deive na magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa kanya. “Umalis na tayo dito.” Ayaw na niyang makita ang sarili sa salamin. Hindi nga niya alam kung paanong iwas ang gagawin para di na makita pa ang “kagandahan” niya. Pinigilan nito ang bali

