CHAPTER 04: Sudden Change

1633 Words
ENRICO'S POV "HINDI ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda kay Riya at sa magiging baby namin!" akmang susuntukin ko ang pader nang awatin ako ni Xander. Nasa hospital kami at halos isang oras nang nasa loob ng operating room si Riya. "Calm down, bro! Walang maitutulong kung bubugbugin mo man iyang pader, okey?" Tila nauupos na kandila na napaupo ako sa upuan naroon. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay at isinubsob doon ang mukha ho. Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak. Bakit si Riya ang nasa operating room? Bakit hindi na lang ako? Bakit isang pesteng galos lang sa braso ang sugat na natamo ko mula sa aksidente?! "This is all my fault! Kung naging maingat lang sana ako... Hindi sana ito mangyayari..." paninisi ko sa aking sarili. Pilit akong pinapakalma ni Xander sa pamamagitan ng paghimas niya sa likod ko. "Wala kang kasalanan, bro. Aksidente ang lahat. Walang may gusto ng nangyari!" "Kasalanan ko ito..." "Enrico!" umangat ang ulo ko at nakita ko na paparating ang daddy at mommy ni Riya. Tumayo ako para salubungin sila pero isang sampal ang ibinigay sa akin ng mommy ni Riya. "How can you be so irresponsible, Enrico?! Nasaan na ang promise mo nang ikasal kayo ng anak ko na alagaan mo siya?! Sinasabi ko na nga ba! Hindi ka mapagkakatiwalaan. You ruined my daughter's life! Binuntis mo siya kahit na napakabata pa niya! Tapos ngayo, heto! Look what you have done!" Umawat naman agad ang daddy ni Riya. "Ano ka ba naman, Ariella! Sa tingin mo ba ay gusto ni Enrico ang nangyari?" tiningnan ako ng daddy ni Riya. "Pasensiya ka na, Enrico..." "Okey lang po, Daddy. Naiintindihan ko po si Mommy." Ilang sandali pa nga ay lumabas na ang doktor mula sa operating room kung saan naroon si Riya. Agad namin itong tinanong kung ano na ang lagay ni Riya. "The patient is out of danger..." tipid na tugon ng doktor. Nakahinga na ako ng maluwag. "Eh, doc, iyong baby po namin? K-kumusta siya?" Napansin ko ang biglang pagkalungkot ng mukha ng doktor at doon na nagsimula ang kaba ko. "I am so sorry pero namatay ang bata habang nasa sinapupunan ng pasyente dahil sa aksidente. Marahil ay naipit siya. We have to remove the fetus from her womb bago pa magkaroon ng ibang complications." Ngayon ko naramdaman iyong sinasabi nila na pinagsakluban ng langit at lupa. Pakiramdam ko ay nagdilim ang buong paligid ko at tumigil sa pag-ikot ang mundo. Wala na iyong doktor pero umaalingawngaw pa rin sa utak ko iyong sinabi niya na patay na ang baby namin ni Riya. "H-hindi... Hindi ito totoo... Ang b-baby namin..." nakatulala kong turan. Naglaglagan na ang luha sa magkabila kong mata. Maging si Mommy Ariella ay panay ang iyak habang yakap-yakap ito ng daddy ni Riya. MAKALIPAS lang ang halos isang linggo ay nakalabas na ng hospital si Riya. Sa bahay na rin namin siya umuwi kahit na ang gusto ng mommy niya ay doon muna ito sa bahay ng mga magulang nito. Mas pinili ni Riya na sa bahay namin sa Tagaytay magpagaling. Isang gabi ay nagising ako na wala sa tabi ko sa kama si Riya. Marahil ay bumaba siya sa kusina upang uminom ng tubig. Pero halos isang oras na ang lumipas ay wala pa rin siya kaya tumayo na ako. Pumunta ako sa kusina pero wala siya doon. Pabalik na ako sa kwarto namin nang mapansin ko na bukas ang ilaw sa katapat na kwarto ng kwarto namin. Ang silid na iyon ay ang nursery room sana ng magiging anak namin ni Riya... Pumasok ako sa silid na iyon at doon ay nakita ko siya na nakahiga sa sahig habang yakap ang mga unan ng baby namin. Nang lapitan ko siya ay napagtanto ko na tulog pala si Riya. Sobra-sobra ang awa na naramdaman ko para sa kanya. Alam ko... mahirap para sa kanya na mawala ang first baby namin. Marahan ko siyang tinapik sa braso. "Riya... Gising na. Lumipat ka na sa kwrto natin." Agad naman siyang nagising ngunit hindi niya ako tiningnan. "Dito lang ako... Ayokong umalis dito sa kwarto ng baby ko!" narinig ko ang pag singhot niya. "Malalamigan ang likod mo..." "Wala kang pakialam!" malamig na sabi niya. "Riya, paano mo nasasabi na wala akong pakialam sa'yo?!" medyo tumaas ang boses ko. "Pinabayaan mo ang baby natin!" bumalikwas siya sa pagkakahiga at luhaan na humarap sa akin. Tumiim ang bagang ko. "Alam mong hindi totoo iyan! Sinikap ko na iligtas kayo pero siguro nga ay hindi para sa atin ang baby na iyan. Lets move on now, Riya!" "Move on?! Ganoon na lang ba kadali sa iyo na mag move on? Napakainsensitive mo, Enrico!" bulyaw niya sa akin. "Baby ang nawala sa akin! Hindi tuta! Hindi isang kuting!" "Baby natin, Riya!" pinagdiinan ko talaga ang salitang "natin". "Natin! Akala mo ba madali lang ito para sa akin? Hindi, Riya. Dahil anak ko rin ang nawala!" Itinuro niya ang nakabukas na pinto. "Lumabas ka na! Iwanan mo na ako dito!" "Riya..." "Just leave me alone, Enrico..." at pinagtulakan na niya ako palabas ng kwarto. Agad niya iyong sinarhan nang ganap na akong nasa labas. Malakas kong kinatok ang pinto. "Riya! Buksan mo ito!" inikot ko ang seradura pero naka-lock na iyon. NAGISING ako ng wala si Riya sa tabi ko. Nakaramdaman ako ng kalungkutan. Nasanay na kasi ako na ang magandang mukha ng asawa ko ang unang bumubungad sa akin sa umaga. Nakaka-miss ang nakangti niyang mga labi at ang nakaka-good vibes niya pagbati ng "good morning". It's past eight o'clock. Pagbaba ko sa kusina ay ang buong akala ko ay madadatnan ko ang lamesa namin na puno ng mga pagkain na niluto ni Riya para sa akin pero nagkamali ako. Empty table. Empty chairs... Hindi ako pinaghanda ng almusal ni Riya. Okey, siguro ay dapat ko na lang siyang intindihin. Lilipas din ito at babalik din sa normal ang lahat. Kumuha ako sa ref ng itlog, hotdog at bacon. Ipinrito ko na lang iyon. Nag-toast na rin ako ng tinapay at nagtimpla ng kape namin ni Riya. I waited pero hindi pa rin bumababa si Riya para mag-almusal. That morning ay first time kong kumain mag-isa simula ng ikasal kami ni Riya. Hay... Emptiness. Umakyat muli ako sa kwarto namin at naligo na upang pumasok sa trabaho. Hindi na rin ako nag-expect na paglabas ko ng banyo ay nakahanda na ang susuotin ko. "NAKAKAGULAT naman na ikaw na mismo ang nagyaya sa amin na uminom ngayon, bro?" natatawang sabi sa akin ni Xander habang umiinomkami sa bar kung saan madalas kaming magtungo noon. "Ano naman ang nakakagulat? Dati pa naman natin ito ginagawa, `di ba?" "Not after your wedding with Riya," sabi naman ni Sandra. Nagsalin ng alak si Xander sa baso niya. "Baka may problema!" nananantiya ang tingin niya sa akin. Hindi na ako nag-hesitate na ishare sa dalawa ang problema ko. "Si Riya kasi..." panimula ko. "What about your wife?" Tinungga ko muna ang alak na nasa baso ko bago ako sumagot. "She changed a lot. Hindi na niya ako inaasikaso unlike dati." Himutok ko. "Eh, ilang araw na bang ganyan si Riya?" tanong ni Xander. "Kanina lang." Natawa bigla si Sandra. "Langya ka, Enrico. Kanina lang pala. Try to understand her. Hindi pa man ako nagkakaanak pero alam kong mahirap sa katulad kong babae na mawalan ng anak lalo na at pakiramdam mo ay wala kang nagawa para iligtas iyon..." Pinag-isipan ko ang sinabing iyon ni Sandra. Marahil ay tama siya. Kailangan ko nga lang sigurong intindihin ang pinagdadanan ng asawa ko. Babalik din sa dati ang lahat. Babalik din sa normal ang lahat. Sana... EKSAKTONG ala-siyete ng gabi ay nasa bahay na ako. Umuwi na ako agad upang makasalo sa dinner si Riya. Iniwan ko na lang sa bar sina Xander at Sandra. Inaasahan ko na nakapagluto na ng ulam namin si Riya pero nagkamali na naman ako. Kahit na sinaing sa rice cooker ay wala. Naabutan ko si Riya na nanonood ng TV habang nakaupo sa sofa. Umupo ako sa tabi niya. "Hindi ka nagluto?" tanong ko. "May nakita ka bang pagkain sa kusina?" pa-pilosopo niyang sagot. Napabuntung-hininga ako. "Magluto ka na..." utos ko. "Tinatamad ako," pinaalis niya ako sa sofa. "Umalis ka dito. Hihiga ako..." "Anong kakainin natin kung hindi ka magluluto?" "Magpadeliver ka na lang!" Napangiti ako. Marahil ay kulang lang sa lambing ang asawa ko. I hug her at ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. "Miss ko na kare-kare mo, misis ko, eh!" Hinalik-halikan ko pa ang punong-tenga ni Riya. Ipiniksi niya ang balikat niya. "Ano ba, Enrico! Ang bigat ng ulo mo. Tinatamad nga akong magluto! Ayan ang telepono, oh. Magpadeliver ka na lang!" Naiinis na tumayo ako at nag-dial sa telepono. BUMALIK na sa kasalukuyan ang diwa ko. "At simula na nga niyon ay naging ganoon na si Riya. Almost six months nang patay ang baby namin and yet ganoon pa rin siya, Jocco. She's still cold at nawala na ang sweetness niya sa katawan. Hindi na niya ako inaasikaso. She's living like wala siyang asawa na dapat pagsilbihan!" Tumango-tango si Jocco. Isinawsaw niya sa catsup ang huling piraso ng french fries niya. "Kahit papaano ay naiintindihan ko na kung bakit gusto monng maghiwalay na kayo ng asawa mo," hinimas-himas pa ni Jocco ang kanyang baba. "So, willing ka na bang ligawan ang asawa ko? Can you make her fall in love with you para siya na mismo ang makipaghiwalay sa akin?" sunod-sunod na tanong ko. Isinubo na ni Jocco ang french fries na kanina pa niya hawak. "Let the game begin, Enrico!" ngumiti siya at nakipagkamay sa akin. Yes! Sa wakas ay pumayag na rin si Jocco. Sooner ay makakalaya na rin ako sa asawa kong si Riya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD